Chapter 33:News?

28 1 1
                                    

3 WEEKS

Tatlong linggo na simula nung pagsabi ko kay Joshua ng nararamdaman ko.

Tatlong linggo na rin akong umiiwas kina Ate at Joshua.

Tatlong linggong hindi kami nagpapansinan o nagkikibuan ni Joshua.

Tatlong linggong hindi ako binubwisit ng kapatid ko.

Tatlong linggong din na puro SHEENA-with paepal CJ at SEAN ang laging nakakasama ko.

Magkakilala na silang tatlo.

In fact,para na nga kaming magbabarkada.Madali lang maging close sa isa't isa sina CJ,Sean at Sheena.Hindi yung close na nagkakaunawaan pero yung close na nag-aasaran,nagbabangayan at nagbabatukan.

Silang tatlo lagi ang nakakasama ko.Masaya sila kasama at napapagaan nila ang pakiramdam ko.

Lagi nga kaming gumagala sa mall,sa park at pati sa mga nagbebenta ng street foods.

Sa tatlong linggo din na yun,minsan umuuwi ako ng bahay na andun si Joshua pero hindi naman kami nagpapansinan at napapansin naman yun nina Papa.Natanong na nga kami minsan ng magdinner sya sa bahay kung may problema daw ba kami.Syempre kami,todo tanggi.

Kapag naman nagsisimba kami kasama sina Joshua,nauuna akong umuwi.

Ganun lang lagi.Iwas lang ng iwas.Hanggang tinginan lang talaga kami.Aaminin ko,nami-miss ko ang dating sweet at caring na bestfriend ko.Kaslanan ko naman eh.

I must face the consequence after my confession...kahit mahirap.

-***---***---

"Loko ka!"-CJ

"Loko ka rin!"--Sean.

"Tama na nga yan!Ang iingay nyong dalawa!Pareho naman kayong loko-loko ah!"-Naiinis n sabi ni Sheena.

Napatahimik namAn silang dalawa.

Napatawa nalang ako sakanila.

Nasa mall kami ngayon.Gala lang.Sabado kasi eh.

"Sean ang gwapo mo!"-CJ

"Sus.Maliit na bagay."-Ngiting ngiting sabi ng loko.

"Gaguh.Naniwala ka naman?"-Sheena.

"Totoo naman kasi.Dba,CJ?Bea?"

"Gutom na ako."-Ako.

"Ako rin."-CJ

"Same here."-SHEENA

Hahaha.Change topic!Gwapo naman talaga sya kaso baka lumaki ang ulo kaya wag na nating sabihin sakanya.

"Huy,Libre mo."-turo ni CJ kay Sean.

"Ang daya!Bakit ako lagi nanlilibre?"

"Mayaman ka eh.Ikaw ang manlilibre."

"Maka-demand ka ha.Mahiya ka nga."

"Aba,nagsalita ang hindi makapal ang mukha!"

"HEP!kakain ba tayo o kakalbuhin ko kayong dalawa?"-Ako.

"Sabi ko nga,kakain na."-Sean.sabay kamot sa batok nya.

-***----***---

Habang kumakain kaming apat sa KFC at nagkkwentuhan,

may nakita akong hindi kaaya-ayang tanawin...

Si Ate at Si Joshua na kakapasok lang din sa KFC.Mabuti naman at hindi nila kami--or should I say--AKO nakita.

"Bea,bakit natahimik ka nalang dyan bigla?"-puna ni Sheena.

"H-ha?Ahm,wala.Ine-enjoy ko lng ang pagkain."

Fight for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon