Chapter 19:

31 2 0
                                    

Nasa hall na kami ngayon,may mga tables naman kaya dito na kami kumain.

"Josh,say 'Ahhh~'"

saka ko akmang isusubo sakanya yung kutsarang puno ng pagkain.

"Ahhh~"-saka nya sinubo.

Tapos nun nagtawanan kaming dalawa....SA HARAP NI ATE.
Mainggit ka ngayon!

Magkatabi kasi kami ni Joshua ngayon.Katapat namin si Ate.

Nung naunang umupo kasi si Joshua,umupo agad ako sa tabi nya.Para-paraan lang yan!XD

Habang kumakain kaming tatlo,

lumapit sa table namin si Kyle.

Nakita kong namutla ng bahagya si Ate.

Goodluck!^____^

"Hi.Can I eat with you,guys?"-Kyle.

"A-ah osige."-si Ate.Umusog din sya ng konti para makaupo si Kyle.

"Kyle nga pala ang pangalan ko."

"Nice to meet you,Kyle.I'm Bea"-saka ko sya nginitian.

"Joshua"-tipid na sabi nya.Halatang hindi sya komportable.

"Magkakaibigan kayong tatlo?"-tanong ni Kyle.

"Ah,kaibigan ko si Joshua.Kapatid ko naman si Bea."-Ate

Sakto namang kumakain ako nun kaya nabulunan ako.

Hinimas-himas naman ni Joshua yung likod ko saka ako inabutan ng tubig.

"Okay ka lang,Bhae?"-nag-aalalang tanong nya.

Tumango nalang ako.

Nakita ko si Ate na nakatingin samin.Hindi ko nga lang mabasa yung ekspresyon nya.

Nagseselos yan panigurado.

"Alalang-alala ka kay Bea ah."-biglang sabi ni Kyle kay Joshua.Nakangiti sya saming dalawa.

"Bestfriend ko sya eh.Natural lang na mag-alala ako sakanya."-sabi naman ni Joshua na nagpangiti kay Ate.

Ngumiti nalang din ako para itago yung pagkadismaya ko.

"Hmm..I see."-Kyle.

Malisyosong lalaki din toh noh?Alam ko yung pinaparating nya eh.Too bad,mukhang mali yung iniisip nya.

"Ano ka ba talaga ni Julia?"-tanong ni Joshua kay Kyle.Si Ate namutla.

"I am courting her."-nakangiting sabi ni Kyle.

Nakita ko ang gulat na ekspresyon ni Joshua.

"Ah,ganun ba."-maikling tugon nya.

Naiinis sya.

at I'm afraid...


na NAGSESELOS sya.

Fight for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon