"Okay.Uhm,nga pala tumawag si Sean.Sabado naman daw bukas kaya inaaya ka nyang lumabas."-sabay ngiti ng pagka-PEKE.Kala nya hindi ko mapapansin?tss.
"Talaga?Eh bakit sayo pa sya tumawag at hindi nalang sakin?"-nginitian ko din sya.Wala lang.Pang-asar.Kala nya,ha. >:D
"Sabi kasi nya baka daw hindi mo lang sagutin yung tawag nya tsaka pg tinext ka naman daw nya,hindi mo lang papansinin."
"Ah,ganun ba?"
"Yup.Tsaka nakapag-paalam na sya kina Mama.Pumayag na sila."
"WHAT?!"-ako.
"Sandali nga lang!"-singit ni Joshua.
"Legal na si Sean sa parents mo,Bhae?"-di makapaniwalang tanong nya.
"Oo,Josh.Legal na sya kina Mama.Ahm,..hindi pa ba nasabi ni Bea sayo?"-epal ng Ate kong ANGHEL na BINAGSAK sa lupa.Sayang lang hindi nadamage yung pagmumukha nyang napaka-kapal!
I nearly rolled my eyes at her.Naiirita ako sa ugali nya.
Balak nya ba kaming pag awayin ni JOSHUA?She is not playing FAIR!Ako nga hindi ko sya sa sinisiraan kay Joshua eh!
Umiling lang si Joshua sa tanong nya pero yung tingin niya nasa akin.
Naiinis sya,alam ko.-_-
tsk.
Balak ko naman kasing sabihin eh kaso yung mahaderang impaktita kong kapatid masyadong epal!
Pwede nya namang sabihin pg nasa bahay na kami,pero dito nya pa talaga pinaglandakan sa harap ni Joshua?!
I can see her smiling dahil hndi naktingin si Joshua sakanya.Masaya sya sa nakikita nya ngayon.Ang sarap nya lang sapakin eh,noh?
"Ah nga pala,Bea.Susunduin ka daw nya ng mga 11:30a.m."
"Tsk.Oo na.Tara na nga.Umuwi na tayo.Gusto ko ng magpahinga."-ako.
-***----***----
Ng nasa harap kami ng bahay namin...
"ATE,mauna ka na sa loob.May pag uusapan lang kami ni Joshua."-sabi ko.
Hindi ko mabasa yung mga tingin nya bago sya pumasok sa loob ng bahay.
Psh.Hayaan na nga lang yang impaktang yan.
Daming alam na kagagagahan sa buhay.
Akala nya siguro maiisahan nya ako.Neknek nya.Tadyakan ko kaya sya,ng makita nya ang hinahanap nya?!
"Josh..."-tawag ko.
Hindi sya kumibo.
"Uy sorry na..."
Wala pa rin.
"Joshua!!!"
Hindi pa din nya ako pinapansin!tsk.
"SORRY.Sasabihin ko naman talaga sayo eh.Dapat nga ngayon aayain kita dun sa park na tayong dalawa lang kasi lahat ng hindi mo pa alam sakin,sasabihin ko sana sayo.Hindi ko naman gustong maglihim sayo eh...kasi alam kong magagalit ka.Sorry na oh."
HINDI PA DIN SYA KUMIKIBO!
Tangina.Ayoko nang magsorry!Sayang effort lang!
"Ayaw mong tanggapin yung sorry ko?!Sige bahala ka sa buhay mo!Nakakainis ka!Ang sarap mong hampasin ng dos por dos!Nagso-sorry ako dito tapos-----"
Niyakap nya ako.
O_O!!!!!!!!!!
shet.Napipi ata ako.Ang lakas pa ng kabog ng dibdib ko!Nakakagulat na nakakakilig na pangyayari toh.>/////<
"Pikon ka na naman eh."-Bulong nya.
Hindi nya padin ako binibitawan.
At ako?Eto...speechless parin.
Pulang-pula na ako sa kilig kaya nagdadasal ako na sana wag muna syang bumitaw....nakakahiya kasi eh!
"Apology accepted"-sabi nya at alam kong nakangiti sya.
"Wag ka nang maglilihim sakin ha?Ayokong wala akong nalalaman tungkol sayo.Naiinis ako kapag may tinatago ka sakin."
>//////////<
"Pakiramdam ko kasi napaka-walang kwenta kong bestfriend kaya ganun ko nalang i-big deal yung mga ganung bagay."
tsk.BAKIT BA DAPAT ISINGIT YANG FRIENDSHIP-THINGY NA YAN?!!!Nakakasira ng moment eh!!!
badtrip.-_-
Akala ko bibitawan nya na ako.Kaso may pahabol pa sya...
"Bhae,you are important to me."
Pakingshet.Bumawi!!!!>/////<
Ako na mismo ang kumalas sa pagkakayakap nya at AGAD na tumalikod.
Ayoko pa sanang bumitaw kaso baka makita nyang pulang-pula na ako sa kilig.
"Basta bati na tayo.Geh,bye."-at dali-dali akong pumasok ng bahay at dumiretso sa kwarto ko.Napasalampak ako agad sa kama ko.
Iniwan ko nalang sya basta basta sa labas.Bahala na nga.Makakauwi naman yun.Ang lapit lang kaya nung bahay nila.
Napahawak ako sa dibdib ko.
Shocks.Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.Pakiramdam ko tumakbo ako ng daan daang kilometro.
hayy...
Joshua Villanueva...ikaw lang yung nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko gaya nito.Ngayon,nadadagdagan ang HOPES ko...that you will fall for me.
Sabi nya importante ako sakanya...and that is the first step to win his heart.
BINABASA MO ANG
Fight for Love
Teen FictionNaranasan mo na bang magmahal ng may kahati? Ako?Oo.Mas masaklap nga lang dahil KAPATID ko pa ang kaagaw ko. Don't get me wrong...I don't hate her.I just hate the fact that we both love the same guy...and that guy was my BESTFRIEND.How nice right? I...