Ano daw?!!!
Binatukan ko nga.
"Siraulo ka talaga eh,noh?Anong selos pinagsasabi mo?!"
Kinamot naman nya yung ulo nyang nabatukan ko.
"Tsk.Niloloko lang naman kita eh.Alam mo yung 'JOKE'?"
"Kung yun lang din ang JOKE mo,pwede wag ka nalang bumanat?Hindi nakakatawa eh!"
Padabog akong naglakad.Kunyari naiinis.XD
"Biro lang naman yun eh.Bati na tayo!"
Hindi ako lumingon sakanya.Nauna kasi ulit akong maglakad.Hinabol naman nya ako.
"UY!"-hinablot nya na naman ang kamay ko kaya napatigil ULIT ako sa paglalakad.Napaharap din ulit ako sakanya.
Male-late pa ata kami kakatigil dahil sa drama namin eh.
"Peace na tayo.Joke lang talaga yun.Ang dali mong mapikon. :3 "
Hindi ko na napigilan.Napangiti ako sa harap nya mismo.
"Oh bakit?Anong nginingiti-ngiti mo?"-nagtatakang tanong nya.
Umiling ako.
"Hmm..wala naman.Ang cute mo kasi,Baby Josh!^__^"-sabay kurot ko sa pisngi nya.
Natawa sya sa ginawa ko.
"Teka,ginagawa mo naman akong bata eh!"
"Bakit?Binata ka na ba?"
"Sa palagay mo?"
"Hindi.Hindi ka pa nga tuli eh!!!"-sabay tawa ng malakas.
Namula sya.Siguro dahil sa hiya!
Sa totoo lang,hindi ko naman talaga alam eh.XD
"Bhae,naman eh!!!Matagal na kaya..ano ka ba naman."-nanliliit na yung boses nya tapos pulang pula na talaga sya.
Ako naman?
Humagalpak na kakatawa.
"Bea,naman eh!"-pagmamaktol nya.
"Hahaha..oh b-bkit?...HAHAHAHAHAHA!"
para na akong baliw kakatawa tapos sya tinignan ako ng masama.Pikon :p
"Wag mo nga akong pagtawanan!"
"Wag ka ng magalit,Baby Josh.Hahahahaha"
sorry naman.Di ko kasi mapigilan tumawa kapag naalala ko yung reaksyon nya eh.Hahaha!
"Ewan ko sayo."-nilampasan nya ako.
Napatigil naman ako kakatawa.
Nainis ata,....HALA.
tsk.
Hinabol ko sya.Oo,HABOL.Ang bilis maglakad eh.Ang haba kasi ng mga binti nya kaya malalaki yung hakbang nya.
"Josh,..."
Hindi sya tumigil sa paglalakad.Hindi din sya lumingon sakin.
Naiinis nga.-_-"
"Joshua ALBERTO Villanueva!!!!"
Tumigil sya sa paglalakad.Liningon nya din ako.
Haha.
Tiningnan nya ako ng naka kunot-noo.
"Wala namang ALBERTO ang pangalan ko ah?"-nagtatakang tanong nya.
"Wala nga.Pero kung hindi ko yun sinabi,hindi ka naman titigil eh. :3 "
Hindi ko alam kung bakit pero NAPANGITI sya.
Shet.Ang gwapo nya pag ngumiti!
"Kulit mo noh?"-sabi nya habang nakangiti pa rin.
"Ha?"-ako.Parang tanga lang eh noh?XD
"Kaya hindi kita matiis eh.Tara na nga,Bhae"-sabay akbay sakin at nagsimula na kaming maglakad.
Yumuko ako ng bahagya para hindi nya makitang namumula ako...kinikilig.
Hindi nya daw ako....matiis?
Joshua Villanueva...you are making me crazy!
Hindi ko alam but I have the urge to look back.
Pagkalingon ko...
Nakita ko si Ate sa di kalayuan....................
...
..
..
..
...
Nakatingin sya sakin...SAMIN... pero hindi ko mabasa ang ekspresyon nya.
BINABASA MO ANG
Fight for Love
Novela JuvenilNaranasan mo na bang magmahal ng may kahati? Ako?Oo.Mas masaklap nga lang dahil KAPATID ko pa ang kaagaw ko. Don't get me wrong...I don't hate her.I just hate the fact that we both love the same guy...and that guy was my BESTFRIEND.How nice right? I...