Chapter 27:Last Talk,maybe?

25 1 0
                                    

Hindi nya sinagot ang tanong ko.Umupo sya sa tabi ko at pinagmasdan ang dagat.

Nakatingin lang ako saknya.

Maya-maya nagsalita din sya.

"Ok na ba yang sugat mo?Hindi na ba msakit?"

Umiling lang ako.

"Bakit ka ba kasi nadapa?Mag-ingat ka na ha.Ayokong nasasaktan ka."

ayaw mo akong masaktan eh ikaw nga yung dahilan kung bakit ako ngayon nasasaktan.Pwede ba...tama na yang pag-care mo sakin?Ayoko na kasi eh.Mahirap mag-move on kung ganyan ka!

"Mag-iingat na ako sa susunod."

"Bhae,alam mo nagseselos ako..."

Ano daw?!

"Selos?Saan naman?"

"Kay Sheena......kay CJ....sila nalang kasi lagi yung kasama mo."

Eh anong gusto mo?Titigan kayo ni Ate habang naglalandian kayo?Tiisin ang selos?Tiisin ang sakit?

Nakakadismya...yun lang pala yung dahilan nya.

..akala ko naman kasi nagseselos sya dahil...hayy...NEVERMIND.

"Ngayon ko lng naman sila nakakasama ah?"

"Oo nga.Kaso hindi ko pa rin kasi maiwasamg magselos.Syempre,BESTFRIEND mo ako eh."

BESTFRIEND...*bitter smile*

"Tina-try ko lang makipagclose sa iba.Hindi naman kasi habang buhay ikaw nalang ang kasama ko.Tska ayoko din namang maging istorbo sa inyo ni Ate eh."

"Bhae,kahit kailan hindi ka naging istorbo."

KAYO yung istorbo sakin.

"Atska...gusto kasi kitang kasama palagi."

"Josh,andyan naman si Ate eh.Girlfriend mo na sya dba?Dapat sya yung kasama mo palagi,hindi ako.Masanay ka na."

"Pero Bhae---"

Tama na,Joshua. :(

Tumayo na ako.

"Saan ka pupunta?"-tanong nya.

"Babalik na ako ng room.Pagod na ako."

"Ah,nga pala Joshua..."

"Bakit?"

Hinubad ko yung jacket na pinahiram sakin ni CJ saka ko inabot kay JOSHUA.

"Pakibigay nalang kay CJ.Pakisabi salamat."

Hindi sya nagsalita pero inabot nya lang yung jacket.

"Sige,pano?Alis na ako ah.Ikaw rin gabi na kasi baka hanapin ka pa nina Sir Jay"

"Sige.Susunod nalang ako."

"Geh,bye."

Aalis na sana ako ng..

"Bhae..."

Lumingon ako sakanya habang sya nakaupo padin dun.

"Goodnight."

"G-goodnight din,Josh."

At tuluyan na akong umalis ng hindi sya nililingon.

Tama na yun...ayoko na..

Ayoko nang iparamdam nya sakin na napaka-importante ko saknya...

dahil alam kong AASA na naman ako,masasaktan.

Labag man sa kalooban ko pero I need to forget my feelings for him...and I'm afraid...that will be the LAST time talking to him.

Para din naman samin yun eh...para yun sa lahat...PARA WALA NG MASAKTAN.

Fight for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon