TRP: 12 (Izzy)

788 46 0
                                    

LECKZY'S POV

"H-hindi ako marunong lumangoy!" I said. Clark looked at me.

"Hindi ka marunong lumangoy?" He said. I pouted and nodded slowly.

"You need to wear this life jacket." He said and handed me the life jacket. I shook my head. He frowned.

"Why?" He asked.

"I don't think it fits me." I said. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Natatawa siguro sa akin ngayon si Clark.

"Lecks, kasya 'to sa'yo. Try it first. It's for your own safety." He seriously said. I looked at him. Ini-expect ko na tatawa sya sa sinabi ko pero nagkamali ako. Kinuha ko ang life jacket sa kanya. Inumpisahan ko itong suotin.

"Let me help you." He said. I looked at him and nodded. Pagkasuot ko ay kasya lang din pala sa akin.

"It just fits you." He said softly and smiled at me. Namula ang pisngi ko at ngumiti sa kanya.

"Ouch, may langgam na kumagat sa akin! Ouch, ang daming langgam!" Rinig naming sabi ni Chelsey. Clark and I looked at her.

"Paanong hindi ka lalanggamin, ang dami ng kinain mong candy kanina!" Sabi ni Ivan.

"Ang slow mo talaga! Hay, bwesit!" Chelsey said. I chuckled. Nag-sisimula na naman silang mag-away. Nagtataka ako bakit hindi kay Chelsey nagkagusto si Ivan?

"Anong slow, sinasabi ko lang ang totoo!" Ivan said. Inirapan sya ni Chelsey.

"Hay, ewan ko pa sa'yo!" Inis na sabi ni Chelsey. Ivan chuckled and shrugged.

"Kuya, hindi po ba tayo naliligaw?" Tanong ni Chelsey.

"Hindi po Ma'am!" Sabi ng nagpapaandar ng bangka. Napatingin ako sa paligid. Wala akong nakikitang Island at bangka man lang. Feeling ko nga nasa pinakagitna na kami ng dagat.

"Kung naliligaw man tayo, lumangoy ka na lang pabalik!" Ivan teased her. Chelsey glared at Ivan.

"Ikaw ang nakaisip, bakit hindi mo gawin!" Inis na sabi ni Chelsey.

"Sino ba naman kasi ang nagtanong na kung naliligaw ba tayo? Malamang alam na nila ang papunta sa Apo 'no. Sa tagal na nilang ginagawa ito." Ivan said.

"Shut up!" Galit na sabi ni Chelsey kay Ivan.

"Chels, bakit hindi sumama si Kian?" I asked her.

"Kailangan nya na daw umuwi sa Manila, e! Hindi ko alam kung bakit, hindi ko na natanong kanina. Akala ko tinext ka nya kanina." She said. Umiling ako.

"Remember, I changed my phone number. Hindi ko pa naibibigay sa kanya ang bago kong----." Natigilan ako nang marinig ang malakas na buntong hininga ni Clark. I looked at him. Nakatingin lang sya sa malayo.

"Ako na lang mag-bibigay sa kanya." Napakunot ang noo ko ng pahina ng pahina ang pag-sasalita ni Chelsey at mukhang nakatingin sya kay Clark. Napakunot ang noo ko at tumingin kay Clark. Hindi naman sya nakatingin kay Chelsey dahil nakatingin parin sya sa malayo.

"A-ahh...h-hindi ko na l-lang pala i-ibibigay. Ikaw n-na lang ang b-bahala, Lecks." Sabi nya at pilit na ngumiti.

"Why?" I asked her. Mabilis syang umiling.

"Are you okay, Chels?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. She immediately nodded her head and smiled. I nodded.

Kinuha ko ang aking headset at cellphone sa pocket ng bag ko. Isinuot ko ito sa aking tenga at nakinig ng kanta. Hindi ko namalayan na napakanta na ako.

"You got me second guessing everything
You mess me up, you mess me up
Smoking away all the pain
I'm rolling up, I'm rolling up
I'm taking shots to drown these memories
I'm drowning now, I'm drowning now
I shoulda never gave you the key
To my soul, yeah

The Reneged Promises (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon