DUTY # 34
Ynna's POV
"Dito nalang po."
Ipinarada na ni manong driver ang taxi sa tabi ng gate ng subdivision. Hindi kasi pwedeng magpapasok basta-basta dito ng sasakyan o kahit na sino na hindi dito nakatira. Depende nalang kung may kakilala ka dito kaso kailangan sila mismo ang sumundo o magpasundo.
"Sigurado po kayo Ma'am? Baka po malayo pa kayo?"
"2 blocks away nalang naman po."
Bait ni manong ah! May care siya sa'kin! Kaso ang weird ni manong. Naka sumbrero at shades? Sa loob ng taxi? Pero 'di ko na masyadong pinansin. Baka ma-offend ko unitentionally. Kahit sobra na akong nawi-weirduhan.
"Kayo pong bahala."
"Magkano po ba?"
"P***.** lang po Ma'am."
Ibinigay ko na ang bayad ko tsaka bumaba. Pero bago pa ako tuluyang makalayo, bigla nalang sumigaw si manong driver.
"Ingat po kayo Ma'am! Always watch your back!"
Pagkalingon ko, bigla nalang niyang pinaharurot ang sasakyan palayo.
I word to describe:
"WIERDO -_____-"
****
*BZZZT BZZZT*
Tsk! Bakit ang tagal naman nilang buksan 'yung gate?
|Good morning. This is Shin's Residence. What can I do for you?|
AY! Nga pala. May parang intercom dito sa labas. Hehe. Parang hindi tuloy ako tumira dito. -____-
"Uhmm...Ako po ito. Si Christina Shin."
|Ms. Shin? Hala! Kayo po pala! Sandali lang po young lady!|
Natawa naman ako. Siguro si Yaya Lanie 'yon.
Maya-maya pa ay bumukas na ang gate. At hindi nga ako nagkakamali. Agad akong sinalubong ni Yaya Lanie ng isang mahigpit na yakap.
"Yaya! Na-miss kita ng sobraaa!!"
"Hay! Ako rin Young Lady! Na-miss din kita!"
Nilayo ko ang sarili ko kay yaya at sinimangutan siya.
"Yaya! Sabi ko po sa inyo, Christina nalang po. O kaya...Ynna! Kaysa po sa Young Lady. Masyado po kasing pormal."
BINABASA MO ANG
GIRL ON DUTY
RandomA 19-year-old lady who named Christina Shin has a responsibility to protect and guard a guy who named Johann Vernon Tan; son of a Mafia Leader. Ironic right? A son of a Mafia Leader needs a protection? And this responsibility is given to a girl. But...