DUTY # 16
Ynna's POV
~I know for sure
That we were meant to fall in love
I look in your eyes
I know what you're thinkin' of
I try not to say
The words that might scare you away
I know down inside
You are mine and I'm your true love
Please, no more dreaming~Ang ganda ng kantang pinapatugtog niya. At sa totoo lang nakakarelax siya.
Tiningnan ko si JV sandali at nakita kong bigla nalang ito napangiti. Ngayon ko lang napansin, ang gwapo niya pala sa malapitan lalo na pala kapag ngumiti siya.
Umiling nalang ako at muling tinuon ang atensyon ko sa labas. Ano ba yang iniisip mo Ynna?! Oo nga't gwapo siya. E ano naman? Alam mo na 'yan simula pa lang ng makita mo siya at WALA KANG PAKIALAM DOON!!
Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko siya kausapin. Ayoko ng ganitong katahimikan. Kung ano-ano ang naiisip ko e. Nagsalita ako pero hindi ako nakatingin sa kanya.
~How can I
Each time I try you say goodbye
You were there
You looked my way, I touched the sky
We can share tomorrow and forevermore
I'll be there
To love you so
You are my song
You are my song~"Ang ganda ng kanta."-ako
Wala akong ibang masabi kaya eto nalang ang pinuna ko.
Nakita ko siyang bahagyang nagulat ng magsalita. Mukhang naistorbo ko siya sa pagde-daydream niya ah.
Tumango nalang siya bilang sagot niya. Gusto ko sanang tanungin siya kung ano ang iniisip niya pero mukhang hindi naman niya ito masasagot.
"Hindi ko alam, mahilig ka pala sa mga ganitong klaseng music."-ako
Totoo 'yun. Ni hindi ko naisip na ang isang JV Tan ay may oras o interes na makinig ng mga ganito.
Nakita kong napatingin siya sa akin saglit na may halong pagtataka pero agad din niyang ibinaling ang tingin sa daan.
"What do you mean by that?"-JV
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Pagkatapos tinuon kong muli ang tingin ko sa labas at sumagot.
"Wala lang. Para kasing hindi halata sa'yo na nakikinig ka ng mga ganitong klaseng music."-ako
Sandaling namagitan sa amin ang katahimikan at tanging ang pinapatugtog niya ang naririnig kong inagay. Ano kayang iniisip niya?
BINABASA MO ANG
GIRL ON DUTY
RandomA 19-year-old lady who named Christina Shin has a responsibility to protect and guard a guy who named Johann Vernon Tan; son of a Mafia Leader. Ironic right? A son of a Mafia Leader needs a protection? And this responsibility is given to a girl. But...