DUTY # 8

46 0 0
                                    

DUTY # 8

Ynna's POV

Lalala~

Ang saya-saya ko~ \(^0^)/

Dahil napatawad na ako ni JV beybeh~!!

HURRAY!! *0*

Ibig sabihin magagawa ko na ang first step ko!!

At gagawin ko iyon mamayang breaktime!!

Hihihi...Pumayag siya kanina. Ibig sabihin gusto niya rin akong maging friend!

YAY! ANG SAYA TALAGA!! ^_____^

Pero teka...May sinabi ba siyang payag siya??

Pero hindi naman siya umangal kanina e.

Silence means 'yes' ika nga diba?! diba?!

Ah basta...Kailangan kong umisip ng magandang plano para mas ma-impress pa siya sa akin!

YAY! Excited na ako mamaya!! ^_____^

****

Pagkarinig ko palang ng bell kanina, tumakbo na agad ako palabas ng room.

Ni hindi na nga ako nakikinig sa prof. ko kanina e. Dahil busy ako sa pag-iisip ng pwedeng gawin mamaya.

Since hindi ko na siya sinundan kung saan ang room niya, hihintayin ko nalang siya sa cafeteria. At kailangan ko rin kasi kumuha kaagad ng table para di kami maubusan mamaya.

Ano kaya kung umorder na ako ng para sa amin? Alam ko naman ang favorite food niya e.

Parehas pa kami ng favorite food!!

Chicken Adobo & Blueberry Cheesecake~  ^_____^

Pero mas maganda kung sabay nalang kaming oorder. Tapos magugulat siya parehas kami ng fav. food nya!

KYAAAAAAHH~

Turn on 'yon sa kanya kung nagkataon! At mas gugustuhin niyang maging friends kami, diba?!

At pag nagkataon, lagi na kaming magkasama at mas mapapadali ang trabaho ko.

OH DIBA!! Edi problem solved! Hindi ko na kailangan pang humingi ng tulong sa papa niya.

****

Nandito na ako sa cafeteria at kasalukuyan ko siyang hinihintay. Bawat papasok sa pintuan tinitignan ko talaga. Marami-rami na rin ang mga estudyante dito.

Baka mahirapan siyang mahanap ako kaya 'pag dumating siya, kakawayan ko nalang siya para makita niya ako. Pero 10 mins. na ang nakakaraan at no sign of JV. Siguro may pinagawa pa sa kanila yung prof. niya kaya siya natagalan. Hmpf! Mga teachers talaga!

20 mins...

25 mins...

30 mins...

1 hr...

Isang oras na akong naghihintay dito pero hindi pa rin siya dumarating. 'Yung ibang estudyante, umaalis na pupunta na sa kanya-kanya nilang klase. Sa totoo lang, may klase na ako. At talagang nagugutom na rin ako!

*Kruuugggghhhh!*

Ugh! Nakakahiya! Baka may makarinig ng nagwawala kong tiyan. Kainis ka JV! Bakit hindi ka sumipot!

Tatayo na sana ako ng biglang may nag-approach sa aking lalaki.

"Hi! Pwedeng magtanong?"

KYAAAAAAAAHH~!!Ang gwapo niya!! Teka? ano sabi niya? Kung pwede magtanong? Oh c'mon! SURE!! Pero dapat pa-demure ako. Kalma Ynna! Kalma lang!!

GIRL ON DUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon