DUTY # 35

8 0 0
                                    

DUTY # 35

Ynna's POV


"J-JV..."


Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko agad siya habang patuloy niya pa ring sinasabi ang pangalan ko.


"J-JV. 'W-Wag ka ng m-magsalita. L-Lalo ka lang nahihirapan..."


Ramdam na ramdam ko ang bawat daing ni JV habang yakap ko siya. At wala akong magawa para kahit papa'no ay maibsan ko ang sakit na nararamdaman niya.


"Y-Ynna...L-Look at me..."


Kahit ayaw kong makita siya sa ganoong sitwasyon, pinilit ko pa rin ang sarili ko. Tiningnan ko siya habang masaganang umaagos ang mga luha ko.


Nang magtama ang aming mga paningin, nanlambot ako sa nakita ko. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko habang siya ay nakatingin sa akin ng may ngiti sa kanyang mga labi.


At sinabi niya ang mga katagang hindi ko inaasahang sasabihin nya sa akin...





"Y-Ynna...A-Always remember t-that...







...I-I love y-you...so m-much. P-Please w-wait for m-me..."


Pagkatapos ay bigla siyang nawalan ng malay. Kahit sobra akong nagulat sa mga narinig ko, tumayo agad ako para humingi ng tulong. Bumalik uli ako sa E.H.U. para humingi ng tulong sa mga guard doon. Ng masabi ko na ang sitwasyon, binalikan namin si JV at dinala na sa ospital.


Habang nasa byahe kami, hindi ko pa rin mapigilan ang hindi maiyak habang nakikita ko ang sitwasyon niya ngayon. Hinawakan ko ang mga kamay niya at hinalikan iyon. Pinikit ko ang mga mata ko habang patuloy pa rin ang pagtulo ng aking mga luha.


Please JV, 'wag kang bumitaw. Baka hindi ko kayanin. Tutuparin ko ang hinihiling mo sa'kin...






... I will wait for you.

****

*Tick. Tock. Tick. Tock.*


Iyan lang ang naririnig ko sa ngayon-ang tunog ng orasan.


2 Hours. Dalawang oras na akong nakaupo sa mga benches dito sa labas ng E.R. Nakatingin sa kawalan habang hinihintay kong lumabas ang doktor na tumitingin ngayon kay JV.


Sobra ako ngayong nagagalit.


Galit na galit ako sa mga gumawa nito sa kanya.


Pero...


Mas nagagalit ako sa sarili ko.


Hindi ko siya naprotektahan.


Hindi ko nagawa ang dapat.


Wala akong nagawa noong mga oras na nahihirapan siya.


Naramdaman kong may mainit na likidong tumulo mula sa mga mata ko.


Pinikit ko ang mga mata ko. At dahil doon, naalala ko na naman ang mga sinabi niya sa'kin kanina.


"Y-Ynna...A-Always remember t-that...I-I love y-you...so m-much. P-Please w-wait for m-me..."


Mahal niya ako.


Sinabi niya sa'kin na mahal niya ako.


P-Pero kailan pa? Paano?


At higit sa lahat, bakit ako?


Napadilat ako ng marinig kong may lumabas mula sa pintuan ng E.R. Nang iangat ko ang ulo ko, nakita ko ang doktor na naglalakad papalapit sa'kin. Tumayo agad ako at pinunasan ko ang mga luha ko.


"Doc...K-Kamusta po siya? K-Kamusta po si JV? A-Ang lagay niya po? Kamusta? Maayos po ba?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Pero kahit isa doon ay hindi niya sinagot. Sa halip ay tinanong niya ako.


"Are you a relative of the patient?"


Dahil sa sobrang desperado kong malaman ang kalagayan niya, tumango nalang ako.


"I'm sorry but..."


Halos tumigil ang mundo ko ng marinig ang mga sumunod na sinabi niya.

****

Author's Note: Waaah!! 'Di ko matuloy-tuloy! Gusto ko kasi may suspense. Kaya may part 2 po itong chapter na ito. Abangan!! :*

GIRL ON DUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon