DUTY # 12

45 0 0
                                    

DUTY # 12

Ynna's POV

"Okay class, I suggest that as early as now, you should start dealing w/ your partners for your project. Remember, If you failed to pass your project on the given deadline, I automatically give you also a FAILING GRADE for this semester. Okay! That's all for today. Class dismiss."-Ms. Dina


"Thank you Miss."-students


Hayy. Kailangan ko na talagang tanggapin na si JV talaga ang partner ko para sa project. Ayaw ko namang bumagsak 'no!


Pero on the brighter side, kahit malas ako na siya ang partner ko dahil feeling ko hindi naman siya pursigido para sa project na ito, ay okay na rin. Bakit? Dahil ibig sabihin magagawa ko na ang trabaho ko. Hindi ko na kailangan pang mag-isip ng paraan para mapalapit sa kanya.


Linigpit ko na ang mga gamit ko para kausapin si JV tungkol sa project namin. Ng matapos na ako, humarap na ako sa pwesto niya. Pero pagharap ko...ANAK NG--!! NASAAN NA SIYA!!


"Hala! Nasaan na iyon!"-ako


Kinuha ko na agad ang mga gamit ko at nagmadali akong lumabas ng classroom.


Pagkalabas ko, lumingon agad ako sa kanan at kaliwa ko. At...Ayun siya! Nakasandal sa pader ng classroom namin. Ang isang kamay niya ay nasa bulsa ng pantalon niya. At ang isa naman ay may hawak na cellphone at may kausap sa kabilang linya. Lumapit ako sa kanya.


Ng makita niya akong papalapit sa kanya, nagpaalam na siya sa kausap niya at ibinaba ito.


"Yes. Mauna na kayo. May kailangan lang akong gawin...Okay. Bye."-JV


Sinalubong niya ako at huminto sa harap ko kaya napahinto rin ako. Napatingala nalang ako dahil sa tangkad niya.


"May pupuntahan ka ngayon? Hindi pwede. Alam mo naman na partners tayo sa project diba? Kailangan na natin simulan agad iyon! One month--AAHHH!!"-ako


Nagulat nalang ako ng bigla niyang hawakan ang wrist ko at hilahin sa kung saan. Pinagtitingan nalang kami ng mga estudyante dito sa hallway atsaka bigla nalang silang magbubulungan.


"ARAY--!! JV! SAAN MO BA AKO DADALHIN!!"-ako


Pero...ANAK KA NAMAN NG TIPAKLONG OH! Ni hindi man lamang ako pinansin! Ni hindi nga ako nililingon e!


"Oy! JV! Saan mo ba ako dadalhin! May project pa po kaya tayong kailangan umpisahan!"-ako


And for the second time, hindi na naman niya ako pinansin. Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari?!


Jelo's POV

"Nasaan na ba siya? Bakit ang tagal ni JV?! Nagugutom na ako!"-Cedric


Iyan ang paulit-ulit na sinasabi ni Cedric kanina pa. At sa totoo lang, kanina pa ako naririndi sa kanya. Gustong-gusto ko na nga siyang iwan dito e. =___=


"Pwede ba Cedric Lim tumigil ka diyan sa kaka-tatrums mo! Ako ang napeperwisyo sa'yo e!"-ako


"E nasaan na ba kasi siya?!"-Cedric


"Eto na nga e! Tinatawagan ko na--Oh! Sinagot na niya! Hello JV! Nasaan ka na ba?! Kanina ka pa namin--"-ako


(Mauna na kayo. Hindi ako sasabay.)


"HA?! Bakit?!"-ako


(Yes. Mauna na kayo. May kailangan lang akong gawin.)


"O-kay. Sige. Ingat ka nalang."-ako


(Okay. Bye.)


"Bye *toot toot*--Ay! Kahit kailan ka talaga JV!"-ako


"Oh! Ano na?! Makakain na ba tayo?! Gutom na talaga ako Jelo!"-Cedric

GIRL ON DUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon