DUTY # 35 PART 2
Ynna's POV
"Doc...K-Kamusta po siya? K-Kamusta po si JV? A-Ang lagay niya po? Kamusta? Maayos po ba?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Pero kahit isa doon ay hindi niya sinagot. Sa halip ay tinanong niya ako.
"Are you a relative of the patient?"
Dahil sa sobrang desperado kong malaman ang kalagayan niya, tumango nalang ako.
"I'm sorry but..."
Halos tumigil ang mundo ko ng marinig ang mga sumunod na sinabi niya.
"...the condition of the patient is in danger. He's in critical situation. I'm sorry."
Kritikal? Nasa kritikal na kondisyon si JV?
"P-Po?"
"Maraming dugo ang nawala sa kanya dahil sa tama ng baril sa kaliwang hita niya. And unfortunately, masyadong maraming sugat at bali sa buong katawan niya. Kanina, we almost lost him. Pero matapang siya. Kaya sa ngayon, kailangan niyang masalinan ng dugo."
Muntik na siyang mawala. Muntik na siyang mamatay.
Hindi ko ata kakayanin 'yon.
"A-Ano po bang blood type niya?"
"Type A."
Type A siya. Type AB naman ako. Hindi ako pwede.
"W-Wala po ba kayong stock doc?"
"Sa kondisyon niya, kulang ang stock namin. Kailangan pa namin ng other donor."
Donor. Kailangan kong maghanap. Pero t-teka. Tama!
"Please doc, gawin niyo po ang lahat. Tatawagin ko lang po ang papa niya."
"Wait. Diba relatives kayo? Hindi ka ba pwede—sandali!!"
Hindi ko na siya pinansin at tumakbo na ako palabas ng ospital. Pumara agad ako ng taxi.
Pupuntahan ko siya. Pupuntahan ko si Sir Albert.
****
"I'm sorry Ma'am pero may meeting po ngayon si Mr. Tan. Kung gusto niyo po, maghintay nalang po muna kayo sa visitor's lounge."
"Hindi pwede! Kailangan ko siyang makausap! Nasa panganib ang anak niya! Nasa panganib si JV!"
"Pasensya na po talaga—sandali lang po!"
BINABASA MO ANG
GIRL ON DUTY
RandomA 19-year-old lady who named Christina Shin has a responsibility to protect and guard a guy who named Johann Vernon Tan; son of a Mafia Leader. Ironic right? A son of a Mafia Leader needs a protection? And this responsibility is given to a girl. But...