DUTY # 15
Ynna's POV
Nasa biyahe kami ngayon. Pero hindi ko naman alam kung saan kami pupunta. Kanina ko pa siya kinukulit na sabihin sa'kin pero ayaw pa rin niyang sabihin. Kaya no choice nalang ako kundi ang tumahimik. Nakikinig nalang ako ng music sa iPod ko. Buti nalang lagi kong dala 'to.
Nakasandal ang ulo ko sa bintana ng sasakyan niya at tahimik na tumitingin sa labas. Gabi na at hindi pa ako pamilyar sa lugar na dinadaanan namin. At isa pa, nagugutom na talaga ako.
~(Oohh Oohh) Come a little bit, come a little bit closer. (Oohh Oohh) I just want to get to know you.~
"Anong pinapakinggan mo?"-JV
Napatingin agad ako kay JV dahil bigla-bigla nalang nagsalita. Pero hindi ko naman masyadong naintindihan kasi nga naka earphone po ako.
Tinanggal ko ang earphone sa left ear ko atsaka nagtanong.
"Ha? Anong sinabi mo?"-ako
"Tsk. Bingi ka ba o talagang nang-iinis ka lang?!"-JV
"Hala! Hindi talaga kita masyadong narinig! Aware ka naman siguro na may earphone ako sa tenga ko 'no?!"-ako
Hindi na siya kumibo pa at nagfocus nalang uli sa daan. Bipolar talaga itong lalaking 'to.
Pero dahil sa sadyang makulit ako at siyempre curious talaga ako sa sinabi niya, tinanong ko uli siya. Pero syempre, medyo mahinahon para hindi siya lalong mabadtrip.
"Huy! JV! Di nga? Ano yung sinabi mo kanina?"-ako
Tumingin siya saglit sa akin at bumalik uli ang paningin niya sa daan.
"Tinatanong kita kung ano 'yang pinapakinggan mo."-JV
Tsk. Akala ko naman kung ano. Kung magalit kanina akala mo ganun kalaki ang kasalanan ko ng hindi ko siya nasagot. Pero syempre hindi ko sinabi 'yon! Mamaya atakihin na naman siya ng pagka bipolar niya.
"Ah. Ito? Get to know you by--"-ako
"Jai Waetford"-JV
Nagulat ako sa sinabi niya. Kilala niya 'yon? Pero sabagay, sikat naman 'yon kaya hindi na rin nakapagtataka kung alam niya rin yung kanta.
BINABASA MO ANG
GIRL ON DUTY
RandomA 19-year-old lady who named Christina Shin has a responsibility to protect and guard a guy who named Johann Vernon Tan; son of a Mafia Leader. Ironic right? A son of a Mafia Leader needs a protection? And this responsibility is given to a girl. But...