DUTY # 23
Ynna's POV
*Krriiiinnngggg!*
Naputol ang pagtulog ko dahil sa alarm clock ko. I tried to open my eyes but I failed! Parang ang bigat bigat ng mata.
"Ugh! Ang sakit ng ulo ko!"
Hindi lang pala mata at ulo ko ang masakit...
"Gah! Ang bigat ng katawan ko."
Ano ba itong nangyayari sa akin?
Pinilit kong bumangon sa higaan ko but then again, I failed!
*Krriiiiinnnggg!*
"Argh! Ang sakit na nga ng ulo ko ang ingay pa!"
Kinapa ko ang side table ko and try to reach that damn alarm clock atsaka ko binato.
*Boooogggsshh!*
Pinilit kong bumangon sa kama ko and this time, successful! Pero feeling ko umiikot ang paningin ko! Ng pinilit ko namang tumayo, muntik na akong matumba! Buti nalang nakahawak agad ako sa side table ko.
"Whoa! Whoa!--Hooo! Muntik na iyon ah!"
Naglakad na ako papuntang banyo para maligo. Siguro hindi pa ako masyadong gising kaya ganito ang pakiramdam ko. Mabuti pang iligo ko nalang ito.
After more than 30 mins. of preparation, I faced the mirror to start fixing my disguise for today. But I noticed something...really strange on me...
"Wait. Why do I look so pale?"
Kahit medyo masama ang pakiramdam ko ngayon, I managed to fixed myself. I check my bag kung dala ko ba ang video cam. ko. After that, umalis na ako papuntang school.
****
Pagdating ko sa school, dumiretso agad ako sa first class ko. Luckily, pagdating ko doon, wala pa ang prof. namin. Konti pa lang ang mga estudyante sa loob at lahat sila ay busy sa pagkalikot ng kani-kanilang mga personal stuffs. Dumiretso agad ako sa upuan ko at doon ay isinubsob ko na agad ang mukha ko sa arm chair ko. I really feel so dizzy right now at ang bigat bigat pa ng pakiramdam ko.
After a few mins. narinig ko na ang pag-bell at pati na rin ang pagsidatingan ng mga estudyante sa loob. They keep on talking and laughing outloud. Gosh! Ang ingay ingay! Naramdaman ko na lang na may tumabi na sa akin but I didn't bother to look up.
Maya-maya dumating na rin ang prof. namin and as usual, she keep on discussing and discussing. Ako, tahimik lang. Kahit anong pilit kong i-absorb lahat ng sinasabi ng prof. namin, hindi ko magawa. Gusto kong humiga, matulog at magpahinga!
"Ms. Fajardo, please stand up."-Ms. Dina
Nagulat ako ng bigla akong tawagin ni Ms. Dina. Kahit na tamad na tamad ako, tumayo pa rin ako kahit feeling ko anytime, babagsak ako.
BINABASA MO ANG
GIRL ON DUTY
RandomA 19-year-old lady who named Christina Shin has a responsibility to protect and guard a guy who named Johann Vernon Tan; son of a Mafia Leader. Ironic right? A son of a Mafia Leader needs a protection? And this responsibility is given to a girl. But...