DUTY # 10

44 0 0
                                    

DUTY # 10

Ynna's POV

Isang linggo na ako dito sa E.H.U. At fortunately, wala pa naman akong napapansing kakaiba. Especialy, wala pa namang nangyayaring masama kay JV. Pero hindi kami nag-uusap. Walang pinagbago. Para pa ring kaming stranger sa isa't isa.

Ewan ko ba pero simula nung hindi niya ako sinipot sa cafeteria, nawalan ako ng gana sa kaniya. I mean, parang nawalan ako ng gana na i-approach siya. Hindi naman ako galit e, disappointed lang. Hindi niyo naman ako masisisi diba?!

Pero eto pa ang kakaiba ha, tuwing magkakasalubong kami o magkakatinginan kami, ang sama ng tingin niya sa akin. Minsan nga iniirapan niya ako e. At ginagamit niya pa sa akin ang kanyang oh-so-famous-na-'psh'. Kaya minsan umiiwas nalang ako ng tingin. Nakakatakot kasi siya tumingin e. Parang may ginawa naman akong masama sa kanya ah! E siya nga 'tong may ginawang kasalanan sa akin e. =___=

Anyways, tama na ang drama. Atleast nakapag-share na ako ng problem, magaan na ang loob ko.

Nandito ako ngayon sa school ground. Lakad-takbo ang ginagawa ko ngayon dahil male-late na naman ako.

"Kainis! Baka ma-late na ako!"

Wala pa kasi akong sasakyan e. Kaya halos araw-araw kailangan ko nang gumising ng maaga. Kapag magco-comute naman ako, nale-late parin ako. Bakit?! LAGING TRAFFIC!!

At dahil masyado akong nagmamadali, nakabunngo pa ako. Sa lakas ng impact, napaupo pa ako. Parang pader naman yung nabunggo ko!! =__=#

"OUCH!"-ako

"OWW! Sh*t"-siya

Hala! Nagalit pa ata! Kainis ka talaga Ynna! Ang t*ng* mo na naman!

Tumayo ako at pinagpagan ko ang sarili ko. Yumuko ako para humingi ng sorry sa nabangga ko.

"Sorry! Sorry! Sorry! Di ko sinasadya! Pasensya na talaga!"-ako

"No. It's okay--Ynna?!"-siya

Huh?! Kilala niya ako?! Dahan-dahan kong inangat ang paningin ko. At laking ko nalang ng nalaman ko kung sino ang nabunggo ko.

"Clyde?! Naku! S-sorry! Sorry talaga! Hindi ko sinasadya! Sorry!"-ako

Yumuko ako habang patuloy ang paghingi ko ng tawad. WAAHH! Nakakahiya ka talaga Ynna! Sa dinami-dami ng araw na pwede kang maging t*ng* ngayon pa talaga! At si Clyde pa talaga ang dinamay mo sa kat*ng*han mo!

GIRL ON DUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon