DUTY # 13
Ynna's POV
Huhuhu...Ang sakit na ng kamay ko sa kakahila nitong kasama ko. At isa pa, nahihiya na talaga ako! Kanina pa kami dito pinagtitinginan! Pa'no ba naman kasi, halos masubsob na ako sa lakas ng pagkaladkad sa'kin nitong JV na'to."Huy! Saan mo ba talaga ako dadalhin ha!"-ako
"...."-JV
Abat--!! NO RESPONSE TALAGA!! ARRGGHH!! NAIINIS NA TALAGA AKO SA KANYA!!****
Matapos ang halos 10 mins. na pagkaladkad nitong si JV sa akin, nakarating na kami sa...Parking lot?! Aalis talaga siya?! Pero bakit niya ako kinaladkad papunta dito?! Isasama niya ba ako?!
"Huy! Aalis ka? Isasama mo ba ako?!"-ako
Tumigil kami sa isang--OH MY GOSH! Ang ganda ng car niya ah!!
"Sakay."-JV
Huh?! Napatingin ako sa kanya. Isasama niya talaga ako?!
"Isasama mo talaga ako?! Saan tayo pupunta?"-ako
Tiningnan niya lang ako ng masama. Tsk. Ayan na naman 'yang nakakatakot niyang tingin! >__<
"Oo na! Oo na! Sasakay na! 'Wag mo lang akong tingnan ng ganyan!"-ako
Sumakay na ako sa sasakyan niya. Ano pa nga bang magagawa ko? E pinagbukasan na niya ako ng pinto. Pero binalibag naman ang pagsara! E kung maipit kaya ako!
Pero infairness ha. Ang bango dito sa car niya. Di amoy leather. Naiingit tuloy ako! *0*
Umikot na siya at pumasok na rin sa loob. Syempre doon siya sa driver seat. Binuksan na niya ang engine ng sasakyan at tsaka pinaharurot ng takbo.****
Tumigil ang sasakyan ni JV sa isang di pamliyar na lugar sa akin. Agad na lumabas si JV ng sasakyan. Kainis talaga 'tong lalaking 'to! 'Di man lang ako hinintay!
Muli akong sumilip sa bintana ng sasakyan. Nakita ko si JV na naglalakad sa 'di ko matukoy na direksyon. Dahil ayoko naman maiwan mag-isa dito lalo pa't 'di ako pamilyar sa lugar na ito ay bumaba na ako.
Agad akong bumaba ng sasakyan. Ng makababa ako ng sasakyan, natanaw ko kaagad na dire-diretsong pumasok si JV sa isang...BAR?!!
Patakbo akong pumunta kay JV. Tinawag ko siya para sabihin na hintayin niya ako pero tila wala itong narinig at nagtuloy-tuloy lang ito sa pagalalakad.
"JV!! WAIT UP!"-ako
Nagdire-diretso lang siya sa paglalakad. Sa tansya ko, kilala na siya ng mga...err...anong tawag doon? Bouncer? Basta yun! Kaya wala ng inspeksyon na ginawa sa kanya. Sa halip, tinanguan lang siya nito.
Humihingal akong pumunta sa tapat ng entrance ng bar para sana sundan si JV pero hindi pa ako nakakahakbang papasok ay hinarangan na ako ng dalawang bouncer na nagbabantay sa labas ng entrance.
"Pasensya na miss, pero hindi ka pwedeng pumasok dito."-bouncer 1
"Ha?! Bakit naman po?!"-ako
"Hindi pwedeng pumasok dito ang mga underage na katulad mo."-bouncer 2
ANOOOOO?! UNDERAGE?! ANO AKO?! BATAAAA?!
"Excusseee meee?! FYI mga kuya, 19 yrs. old na ako. Actually, turning 20 na nga e! Kaya hindi ako underage 'no! hmpf!"-ako
GRABEEEH!! NAKAKAHIGH-BLOOD SILA AH!!
BINABASA MO ANG
GIRL ON DUTY
RandomA 19-year-old lady who named Christina Shin has a responsibility to protect and guard a guy who named Johann Vernon Tan; son of a Mafia Leader. Ironic right? A son of a Mafia Leader needs a protection? And this responsibility is given to a girl. But...