DUTY # 22

39 0 0
                                    

DUTY # 22

Ynna's POV

Simula ng umalis kami ni JV sa Coffee Shop, hindi pa nagsasalita itong katabi ko. Seryoso lang siyang nakatingin sa daan habang nagdi-drive. 'Yung nakita kong galit sa mga mata niya kanina, sa tingin ko, unti-unti nang nawawala. By the looks of him, medyo kalmado na siya. MEDYO talaga! Kaya nga hanggang ngayon wala pa rin akong lakas ng loob na mag-open ng kahit na anong topic (lalo na sa nangyari kanina). Baka mamaya ma-'shut up!' lang ako nito e. Or worst, ako ang mapagbuntungan ng galit niya. NO WAY!!

Kanina ko pa iniisip kung ako nga ba ang may kasalanan kung bakit nag-away sina JV at Jelo. Nagtanong lang naman ako. Sinagot lang JV. Tapos...napikon si Jelo?? Pero bakit? Dahil kay...Nicole??

Base sa observation ko kanina habang nag-aaway sina JV at Jelo, parang sobrang nagi-guilty si Nicole. Nagmakaawa pa siya kay Jelo na 'wag sasaktan si JV. Umiiyak din siya. Si JV naman, habang nagsasalita siya, may times na kay Nicole talaga siya nakatingin. Tapos kita sa mga mata niya kung gaano siya kagalit at nasasaktan. Ang tanong, BAKIT KAYA?? Hindi kaya....MAY PAST SILA NI NICOLE?! o SILANG TATLO?! Ayy EWAN!! >___<'

Ayaw kong isipin ang lahat ng nangyari kanina. Nafu-frustrate lang ako! Atsaka, ayoko manghimasok sa problema nilang tatlo. Problema nila 'yun e! Baka imbes na makatulong ako, lalo pang lumala ang sitwasyon.

....Pero SANA, SANA TALAGA! Magkabati na yung dalawa (sina JV at Jelo). Sayang naman kasi ang friendship nila. Sabi pa sa akin ni Jelo, bestfriends sila ni JV (akalain niyo yun!)....At sana....maayos na ang problema sa pagitan nilang tatlo.

Kinuha ko nalang ang iPod ko para makapag-music muna. Stress reliever ko kasi ang music. Lalo na kapag mild lang yung kanta, nakakarelax! Hindi naman kasi ako fan ng mga rock songs. Ayaw ko sa masyadong maingay na kanta. Mas gusto ko pa yung tipong naka-senti mode ka.

Now Playing: Cold Cherry-Growing Pains

(A/N: Isa sa OST po ito ng koreanovelang The Heirs. Try to watch this guys!! Kikiligin kayo! :D)

~nae nuni neoreul boado neoneun bol suga eobsgo

nae ibi neoreul bulleodo neoneun deulliji anha

nae gaseumi neol baraedo neoneun neukkil su eobsgo

nae modeunge neol chajado neon eobseo

sarang nan baeun jeogi eobsneunde wae ireon mami naege

gamdanghal sudo eobsge apaseo dagagal su eobsneun na

nae gaseumi neol baraedo neoneun neukkil su eobsgo

nae modeunge neol chajado neon eobseo

sarang nan baeun jeogi eobsneunde wae ireon mami naege

gamdanghal sudo eobsge apaseo dagagal su eobsneun na~

Hmmm. Ang ganda ng kanta. Kahit hindi ko naman naiintindihan, yung melody niya, nakakarelax. Kaso parang ang lungkot ng message (obvious naman sa title ng song diba?). Try ko ngang kunin yung English Translation nito.

~ireohge wonhago baraedo neol gajil suga eobsneunde

sarangeul ibyeollo bakkwodo nae mameun

GIRL ON DUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon