DUTY # 24

40 0 0
                                    

DUTY # 24

JV's POV

It's already 12 nn and she's still unconcious. 3 hours na rin siyang tulog. Kanina pa rin umalis sina Xavier at Cedric. May klase pa daw kasi sila. Sinisi pa ako na baka late na daw sila. Mga pasaway.  -____- Sa totoo lang, kanina pa ako sinasabihan ng nurse dito na okay na daw siya at pwede ko ng iwan para maka-attend ako sa klase ko. Sa tingin niya ba, okay lang ang taong mayroong 40.1 degree na lagnat?! But in the end, hindi niya na rin ako napilit. Takot niya lang na mawalan siya ng trabaho.

Sobrang boring ngayon. Ano bang pwedeng magawa dito sa clinic?

Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa kwarto kung saan nakahiga ngayon si Ynna. Nandito kasi ako sa waiting area ng clinic. Ng pumasok ako sa loob, tumayo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan siya. Hindi na siya masyadong maputla unlike kanina, medyo may kulay na siya ngayon. Hinipo ko ang noo niya at pinakiramadaman ko rin ang akin. Kahit medyo mainit pa rin siya, atleast mukhang bumaba na ang lagnat niya ngayon.

Kumuha ako ng upuan at itinabi ito sa gilid ng kama niya. Habang tinititigan ko siya, may naisip akong isang tanong na hindi ko alam kung ano ba ang sagot.

"Sino ka ba talaga Ynna Fajardo?"

****

Nakatingin lang ako sa kanya habang siya ay wala pa ring malay. Habang tinitingnan ko siya ay bigla akong may naalala dahilan upang gumuhit sa aking labi ang isang nskakalokong ngiti.

Kinuha ko ang bag ko sa labas ng kwarto. Nilabas ko doon ang binigay sa akin ni Ynna kahapon. Bumalik ako sa loob ng kwarto. In-on ko ito atsaka itinutok sa kanya.

"Don't worry Ynna. Tutuparin ko ang sinabi ko sa'yo na sisimulan ko na ngayon ang project natin. *evil eyes*"

****

Ynna's POV

Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong 'something strange' sa mukha ko.

"Hmmm..."

Tinabig ko ang anumang nasa mukha. Pero maya-maya, bumalik na naman kaya tinabig ko ulit. Aish! Ano ba talaga 'yon?

"Hmmm...Ano ba~!"

Maya-maya, may narinig akong parang tumawa sa tabi ko pero mahina lang.

Dala na rin siguro ng curiousity ko, pilit kong idinilat ang mga mata ko kahit medyo mabigat pa rin ang pakiramdam ko.

Ng dinilat ko na ito ng tuluyan, isang imahe ang nakikita ko pero medyo blurred. Isang pigura ng nakangiti at gwapong lalaki ang bumungad sa akin.

Teka...Lalaki?

LALAKI!!! 0___0'

Pinikit ko ng madiin ang mga mata ko para mawala ang pagka-blur ng paningin ko. Bago ko idilat ang mga mata ko, bumulong ako sa isip ko.

GIRL ON DUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon