DUTY # 18

38 0 0
                                    

DUTY # 18

Ynna's POV

Monday na naman. It means na pasukan na naman. =.=' Pangatlong linggo ko na dito sa E.H.U. Medyo okay naman na ako dito pero as usual, hindi pa rin maiiwasan na laitin ako ng mga estudyante dito. Who cares? 'Wa pakels naman ako doon e. Ang kailangan ko lang namang i-prioritize e yung about sa trabaho ko at sa mga school stuffs. And speaking of school stuffs...

"Uy, JV! 'Wag ka namang ganyan oh! Kailangan nating gawin yun! Kung hindi, mabibigyan tayo ng failing grade. 3 Weeks nalang pasahan na!"-ako

Tama po kayo. Kasama ko ang one-and-only JV Tan the Great. Nakakainis! Parang wala lang sa kanya itong project namin. Palibhasa ang family niya ang may pinakamalaking shares dito sa E.H.U. Pero kahit na noh! Hindi ba niya inisip na kailangan ko ang pumasa? Wonder why?

Since ang family ni JV (o mas tama kung si Sir Albert/papa niya) ang may pinakamalaking shares dito sa E.H.U. namomonitor nila ang mga members ng clan which is "Royal Government" about sa pag-aaral NAMIN (syempre kasama ako doon). Hindi ko alam na may iba pang mga members ng Royal Government ang nag-aaral dito. Wala kasi akong AS IN na ibang kilalang members kaya hindi ko rin marecognize kung normal na estudyante lang ba ang mga nasasalubong ko hindi.

Mahalaga pa rin sa clan na ang mga members nila ay nag-aaral at maganda ang records sa school. Mapa reapers man yan o trainees pa lang. Syempre kakailanganin ng clan ang mga productive na members. Sinisigurado kasi nila na may mga high-profiles lang ang mga nakakasali sa clan (in terms of 'connections'). Pero syempre hindi basta-basta yun.

"I don't want to do that stupid project 'cause I. DON'T. REALLY. CARE. Understand?"-JV

Tsaka niya ako tinalikuran. Anak ng patola naman oh! Napaka hard-headed niya! Kanina ko pa sa kanya ini-explain na hindi pwede yun! Pero syempre hindi ko sinabi sa kanya ang totoo. Sinabi ko kasi sa kanyang iskolar ako dito. Kaya hindi ako pwedeng bumagsak. Hinding-hindi. As in big NO.

"Sige na naman oh! Parang awa mo na. Tulungan mo na ako. Kailangan kong--I mean, nating magawa yun! Kung hindi--"-ako

"SHUT UP! NAKAKARINDI KA NA DAHIL PAULIT-ULIT KA LANG NG SINASABI MO!"-JV

Since nasa hallway kami ngayon, naka-agaw na agad kami ng atensyon. Sa totoo lang, kanina pa kami dito pinagtitinginan pagkatapos magbubulungan sila. Pero hindi ko nalang sila pinapansin. Hindi naman nila ako matutulungan e.

Nagtataka lang talaga ako dito kay JV. Nung isang linggo, okay naman ang treatment niya sa akin (medyo lang). I mean, simula nung umalis kami sa convenience store e hindi niya ako sinigawan. Naghanda pa nga siya ng dinner namin dahil gutom na daw ako. Tapos hinatid niya pa ako. Yes, hinatid niya po ako. Nung una ayaw ko sana dahil secret lang dapat kung saan ako nakatira. Pero dahil sa nagpaka GENTLEMAN siya noon, tinanggap ko na ang offer niya.

GIRL ON DUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon