DUTY # 2

60 0 0
                                    

DUTY # 2

So ayun nga, hinatid na'ko ni Mrs. Angeles sa first class ko. Pansin ko nga, habang naglalakad kami, bukod sa turo siya ng turo sa mga facilities dito sa E.H.U. at sa iba pang mga nadadaanan namin dito, e panay ang tingin sa akin ng mga estudyante. Well, sino ba naman nga ang hindi titingnan kung ang itsura mo ay totaly NERD diba? And take note ha, kulang nalang, gumulong na sila sa kakatawa pag titingnan ako.

Sa wakas, ay nakarating na kami sa first class ko. Kinausap muna ni Mrs. Angeles yung professor sa loob na si Mr. Sandoval. Pinaghintay talaga ako dito sa labas ha. Teka, pwede naman sigurong  sumilip diba!

Silip...

Silip...

Sil--

"Excuse me! Can you please move?!"

HALA! SINO YUN?

Tingin sa kaliwa (-- )

Tingin sa kanan ( --)

Wala naman ah! sa'n galing yun?

"(bulong) Sino yung nagsalita? Wala naman ibang tao dito ah?!"-ako

"I SAID MOVE! DON'T YOU HEAR ME?! YOU B*LLSH*T!!"

"Ay palaka ka!!"-ako

"WHAT"

Teka...parang galing sa likod ko yung nagsalita ah!

Tingin sa likod...

OH MY GULAY!!

"Ha?!"-ako

"I SAID WHAT?!"-siya

Eh? ano bang sinabi ko sa kanya?

"Eh?!"-ako

"Nevermind, JUST MOVE!"-siya

"O-okay."-ako

Tumabi ako sa gilid para makadaan siya. Grabe ang sakit sa tenga ng pagsigaw niya ha!

"Hahaha! serves her right! Ang kapal kasi ng mukha to block JV's way!"-girl 1

"Yeah right! If I know she did that para lang mapansin siya!"-girl 2

"As if namang papansinin ka niya and waste his time just for you NERD!"-girl 3

"HAHAHAHAHAHA!"- students

ABA! Grabe naman 'tong mga 'to. Akala mo naman sinong mga magaganda, well, magaganda nga naman pero mas maganda parin ako. YUN NGA LANG pag hindi naka disguise.

GIRL ON DUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon