DUTY # 9
JV's POV
Wala akong maintindihan sa kahit na anong tinuturo ng prof. namin. Masyadong okyupado ang isip ko tungkol sa nangyari kanina. Tungkol sa NERD na 'yun.
*KRIIIIINNNNNGGGGG!!*
"Don't forget to pass your assignments tomorrow. Class dismiss."-Mr. Sandoval
Nagsimula ng mag-ayos ng gamit ang mga kaklase ko. Pagkatapos umalis na rin sila agad. Ako, mas piniling manatili muna sa loob. Nag-iisip kung ano ang dapat kong gawin.
'Kita nalang tayo sa cafeteria mamaya ah! Don't worry, treat ko. Dahil pinatawad mo na ako! Sige. See you!'
Tsk. Kainis na babae 'yun. Hindi ko naman siya kilala pero pinapaisip ako!
Arrrrgggghhhhh!! Nakakainis siya! Bwiset siya!! Bwiset!!
Bago pa ako tuluyang mabaliw dahil sa babaeng 'yun na hindi ko naman alam ang pangalan (at wala akong balak alamin) ay inayos ko na ang gamit ko at lumabas na.
****
Habang naglalakad ako, hindi pa rin maalis sa isip ko ang babaeng 'yun. Inaamin ko na naging kakaiba nga ang pakiramdam ko ng yakapin niya ako. Ang pakiramdam na minsan ko na rin naramdaman noon. Sa isang babae rin.
Tsk. Ano ba 'tong mga naiisip ko. Imposible kong maramdaman yon sa isang babaeng na hindi ko naman kilala.
Napadaan ako sa cafeteria at bigla ko na namang naalala ang sinabi ng NERD na iyon.
'Kita nalang tayo sa cafeteria mamaya ah! Don't worry, treat ko. Dahil napatawad mo na ako! Sige. See you!'
Psh. Anong akala niya sa akin. Walang pera! =___=
Nilagpasan ko nalang iyon at tuluyan ng lumabas ng campus. Sa iba nalang ako kakain.
****
Tinawagan ko sina Jelo at Cedric na sa pagkakaalam ko ay magkaklase ngayon. Pero hindi naman nila sinasagot.
Pagkatapos bigla nalang nag-text si Jelo.
From: Jelo
Pare may klase pa kami. 2 oras itong subject namin.
Kaya halos isang oras akong tumambay dito sa kinainan ko. At ngayon pabalik na ako dahil sa meron pa akong klase.
"Male-late pa ata ako ngayon."
Medyo malayo kasi ang napuntahan ko kaya nagmadali na akong pumunta sa kotse ko at pinaharurot iyon papuntang campus.
Nang makarating ako sa campus, dali-dali akong bumaba ng sasakyan ko papunta sa klase ko. Nadaanan ko uli ang school cafeteria. Bigla akong napaisip kung hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ang babaeng 'yon.
"Imposibleng maghintay iyon."
Pero sa hindi malamang dahilan, may parte sa akin na gusto kong malaman kung hinihintay niya pa rin kaya ako hanggang ngayon.
"Tsk. Bahala na nga."
Pumunta ako sa pintuan ng cafeteria at hinanap ko ang NERD na iyon. Sa tingin ko naman hindi ako mahihirapang hanapin siya dahil sa kakaiba niyang ayos. At hindi nga ako nagkamali dahil nahanap ko agad siya pero hindi siya nag-iisa. Mayroon siyang kasamang isang lalaki. At nakikita ko sa kanya na masaya siya ditong nakikipag-usap.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero bigla nalang akong nakaramdam ng galit. Galit na hindi ko maintindihan kung para ba kanino ito. Akala ko ba gusto niya akong makasama sa breaktime? Diba siya pa nga ang nag-aya sa akin? Sinabi rin niyang ililibre niya ako. At higit sa lahat, akala ko hihintayin niya ako.
BINABASA MO ANG
GIRL ON DUTY
RandomA 19-year-old lady who named Christina Shin has a responsibility to protect and guard a guy who named Johann Vernon Tan; son of a Mafia Leader. Ironic right? A son of a Mafia Leader needs a protection? And this responsibility is given to a girl. But...