DUTY # 17

55 0 0
                                    

DUTY # 17

Ynna's POV

Ng makarating na ako sa tapat ng sasakyan, pumasok na agad ako. Hindi ko pa naman siya nakitang lumabas kanina sa convenience store e. Kaya alam kong wala pa siya sa loob ng sasakyan.

Hinanap ko kaagad ang bag ko sa backseat. Ng makuha ko ito, inilagay ko na ang baril sa loob nito. Mahirap na, makita pa ito ni JV.

Isasara ko na sana ang bag ko ng biglang bumukas ang pinto at bumungad dito ang hinihingal na si JV. Tumakbo ba siya? Bakit siya hinihingal?

"Ay kabayo! Ano ka ba JV! Mahilig ka talagang manggulat noh!"-ako

Nung una, nakatulala lang siya na para bang...hindi makapaniwala?? Ayy ewan! Baka imagination ko na naman. Sisitahin ko na sana siya kasi hindi pa rin nagbabago ang reaksyon niya pero bigla nalang siyang nagsalita. At hindi ko inaasahan ang mga sinabi niyang ito.

"*sigh* Buti nalang. Okay ka lang ba? Sinunod mo ba ako? Wala ka bang napansing kakaiba?"-JV

Nagulat ako sa sinabi niya at the same time nakaramdam ako ng kaba. Bakit niya sinabi iyon? Hindi kaya may alam na siya? O alam na niyang may sumusunod sa amin kanina pa?

Kahit naguguluhan ako sa mga sinabi niya, kinalma ko nalang ang sarili ko. Nag maang-maangan nalang ako. Ayokong mahalata niya na kinakabahan ako.

"Ha?! Ewan ko sa'yo. Teka, hindi ka bumili ng pagkain? Ang tagal mo sa loob ah! Wala ka manlang binili kahit chocolate bar?!"-ako

Syempre kailangan todo pretend ako para makaiwas sa mga tanong niya. Mahirap na, baka madulas ako ng wala sa oras. Habang sinasabi ko sa kanya iyon, dahan-dahan kong sinasara ang zipper ng bag ko. Mabuko niya pa ako noh! >___<

Nabigla naman ako sa kanya ng bigla siyang ngumiti sa akin. Si JV?! Ngumiti?! Sa akin pa?! At napansin kong para siyang nabunutan ng napakalaking tinik dyan sa kalooban niya. Ano bang nangyayari sa kanya??

"Sorry. Ang pangit kasi ng mga pagkain sa loob. Doon nalang tayo kumain sa pupuntahan natin. Malapit nalang 'yon dito."-JV

Uh-oh. Kanina ngumiti siya sa akin. Ngayon naman nag-sorry naman siya?? Magtataka na talaga ako sa kanya kung hindi niya pa ako sungitan kung rereklamuhan ko siya ngayon.

"Tsk. Kainis! Gutom na kaya ako!"-ako

Totoo po iyon. =___= Gutom na talaga ako. Kaninang-kanina pa. Hindi ko nga alam kung anong oras na e.

GIRL ON DUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon