Chapter 7

506 22 5
                                    

Her POV

Hindi ko alam kung paano ko nakuha ang ID ko kay Vinaux noong araw na iyon dahil agaran akong pumasok sa loob ng room namin para iwasan siya nang makitang paakyat na ito sa floor namin.

Panay pa ang tawag sa akin ni Karina nang nasa labas na ng aming room ang lalaki pero hindi ko sila nilabas. Sa pagkakakilala ko kay Vinaux, hindi siya matatahimik hangga't hindi ko nasasabi ng malinaw ang sinabi ko sa kanya noong magkita kami sa may convenience store.

Si Bell ang nagbalik ng ID ko. Mabuti nalang at hindi na nangulit ang lalaki. Mabuti nalang din at tuwing break or lunch ay hindi kami nagkakasalubong sa campus. Tuwing hapon naman ay dadaretso siya sa gym para magtraining sa nalalapit na Intramurals. Ako naman ay daretso sa computer shop kaya talagang hindi kami nagkakatagpo.

Pero inabot lang iyon ng isang linggo. Nag-angat ako ng tingin, mula sa librong nakapatong sa lamesa papunta kay Vinaux.

Nakatalikod siya sa amin, naka-upo sa isang bangko, hindi ganoon kalayo sa lamesang inookyupahan namin nila Victoria na katabi ko, si Luke at si Denver na nasa unahan naman namin. Nandito kami ngayon sa library para sa i-shoot ang next episode ng vlog series. Ang content ngayon ay ang tungkol sa paparating naming examination.

Muli kong sinulyapan si Vinaux.

Nakatutok sa kanya ang camera at sa harap niya ay si Katrinah na nag-iinterview. Hagip kaming apat sa camera na nasa likod niya. Sinabihan kami kanina na kunwari raw kaming nagbabasa habang may iniinterview.

Nakita ko ang pagtayo ng lalaki nang matapos na siya. Bumaling siya sa table namin at tahimik na humakbang papalapit. 

"Shayne," tawag sa akin ni Vince.

Tumayo agad ako. Nagkatinginan kami ni Vinaux. Kitang-kita ko ang pagnguso ng labi niya. Hindi ko iyon pinansin at nilagpasan siya.

Nang maka-upo ako sa upuang nilaan ay inayos pa ng nakangising si Karina ang damit at buhok ko. Bumilang si Vince at pagkatapos ay nagsimulang magtanong si Katrinah na siyang naka-assign na mag-interview.

"Ano ang mga ginagawa mong paghahanda para sa darating na semi-quarterly examination this semester?"

Sa kanya lang ako tumingin imbes na sa camera. Nalaman ko na hindi naman pala kailangang palagi akong titingin sa camera tuwing ganitong iniinterview.

"A week before the examination days, nagbabasa-basa na ako ng mga lessons ng bawat subject. Tatlong beses akong nagbabasa. Sa unang beses, basa lang talaga, as in. No memorization. Sa pangalawa naman, sinasamahan ko na ng pagha-highlight ng keywords kasabay ng pagmimemorya. Sa ikatlo, mabilisang basa para ma-recall ng utak. Isang araw bago ang exam, gumagawa naman ako ng reviewer para at the same time, nare-recall ko 'yung mga nabasa ko last week."

Saglit kong tinignan ang camera bago muling ibinalik sa mga nanonood sa akin sa likod ng camera.

"Curious lang. Bakit ka pa gumagawa ng reviewer kung may notes ka na naman?" tanong pa ni Katrinah.

"Ginagamit ko 'yun tuwing last minutes bago mag-exam. Nakakatulong para ma-recall ko lahat ng terms and key words."

Napatango siya at ngumiti sa akin.

"Anong advice mo para sa mga students na nahihirapang magreview?"

Saglit akong napa-isip ng sasabihin.

"Para sa akin, mas okay kung 'yung mga lessons na inaaral niyo ay sinusulat niyo sa notebook. Kasi habang sinusulat iyon ng kamay mo, nababasa na rin 'yan ng utak mo. Hindi na magiging mahirap para sayo na aralin at memoryahin ang mga terms kapag magre-review ka dahil nare-recall ng utak mo ang mga isinulat mo noon."

When Two Universes Collide (High School Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon