Chapter 16

416 14 1
                                    

Her POV

Nang makahanap ng bakanteng lamesa ay ipinatong ko ang binili kong ulam at kanin para sa aking tanghalian at doon naupo.

Pinagmasdan ko ang mga estudyantent nakapila, palakad-lakad, at nakaupo sa mga nagkalat na lamesa, bago magsimulang kumain. Ngunit bago pa man ako makasubo ay may tumigil na sa harapan ko.

"Hey," bati ni Vinaux sabay ngiti. Looks like he's in a good mood.

"Ikaw lang mag-isa?" tanong niya nang makitang wala akong kasama.

"Nasa pila pa si Bell," sabi ko sabay tanaw kung saang stall nakapila si Bell.

Pangalawa siya sa pila at mukhang naiirita na sa ingay ng mga babaeng nakapila sa likod niya. Natawa ako.

"Pwedeng umupo?"

Nag-angat ako ng tingin kay Vinaux. Nakangiti pa rin ito. Mag-isa lang siya kaya hinanap ko ang mga kaibigan o mga pinsan niya. Nakita ko ang lamesa nila, hindi kalayuan sa amin, kasama ang magpipinsang Salvador. Mahaba ang table na ino-okyupahan nila kaya kasama doon sila Acustan.

Tumango ako bilang pagsagot sa tanong ni Vinaux kanina kaya naupo na ito.

"Hindi ka pa ba maglu-lunch?" Nagtaas ako ng kilay sa pagtataka kung bakit siya nandito.

"Busog pa."

Ngumisi siya at ipinatong ang magkakrus na mga bisig sa lamesa at bahagyang inilapit ang mukha sa direksyon ko.

"Perfect ba ang quiz?"

Hindi ako kumportable na nasa harapan ko siya at ganyan pa ang pwesto kaya tumango lang ako at umiwas ng tingin.

Sinubukan kong kumain kahit alam kong pinapanood niya ang bawat galaw ko. Nakaka-ilang.

"Nice. I knew you can ace it." I can even hear him smirking.

Tipid akong ngumiti. "Salamat. Ikaw? Kamusta quiz mo?"

"Guess what?" Nagtaas siya ng isang kilay. "Eighteen over twenty. Only got two wrongs."

Walang tunog na napa-wow ang bibig ko.

"Thanks to you." He moved his head like he was pointing that at me.

Umiling ako. "Don't thank me. Tinulungan lang kitang mag-review. Ikaw pa rin ang nagsagot na'n kaya mataas ang score mo."

Napangiti siya sa sinabi ko at ilang saglit pa ay natawa. "I suck Science and Math. Believe me." He chuckled. "I hate those two but I guess today, Science became my favorite subject."

I pursed my lips before looking at my food. Hinawakan ko ang kutsara at naglagay doon mg kanin bago isubo. Nakita ko ang paglayo niya mula sa pagkakasandal sa kaniyang bisig.

"This might be too much to ask but can you help me with this subject?"

Nag-angat muli ako ng tingin.

"Mas naiintindihan ko kasi kapag ikaw ang nag-eexplain," dagdag niya.

Napakurap ako, pinoproseso ang mga sinabi niya. Gusto niyang i-tuitor ko siya? Pero bakit ako? Alam kong may matatalino siyang kaibigan. Si Yzel. Iyong kaklase ko last year. Matalino iyon at magaling sa Science. Bakit hindi siya doon magpatulong, hindi ba?

Hindi naman sa ayaw kong tulungan si Vinaux, ang ayaw ko lang ay iyong ma-involve ako sa kanya, lalo na ngayon na maraming nakakapansin ng pagtambay-tambay niya sa room namin at paglapit-lapit sa akin.

Tinignan ko si Vinaux. He looks like a kid who's waiting for his mom to let him play with his friends.

Many of our schoolmates, even students from different schools said that Vinaux has this sporty type and charismatic look. And now, staring at him in this close, I can prove that opinion as fact.

When Two Universes Collide (High School Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon