Her POV
"I was right!"
Pinanood ko ang pagpalakpak ni Ashley matapos kong ikuwento ang nangyari base sa aking perspektiba noong isinasayaw ako ni Vinaux sa gitna ng dancefloor.
"Pakiramdam ko talaga may nangyari noong nagsasayaw kayo eh."
Ngumisi siya sa akin. Halos mapatungo naman ako sa hiyang nararamdaman ngayon. Nakita ko pa kung paanong nakangising mapa-iling si Bell habang si Karina ay kilig na kilig pa.
"So Shayne, can you confirm that for us."
Hindi agad ako nakasagot lalo na nang maramdaman na kanina pa sa akin nakatitig si Vinaux habang nagkukuwento ako kanina. Unang beses niya itong nalaman sa akin.
"Doon ka nagkagusto sa akin?"
Napabaling ako sa kanya nang marinig iyon. Kita ko ang gulat at pagka-aliw sa mukha niya.
"Hindi ko pa sure noon..." Humarap ako sa camera. "Hindi ako pamilyar sa naramdaman ko nung time na 'yon kaya in-assume ko na baka... crush ko na rin siya."
Hindi ko narinig si Vinaux kaya muli ko siyang nilingon. Bahagyang nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa sahig. Maya-maya pa ay unti-unti nang sumilay ang ngisi sa labi.
"Pero hindi pa ako nakakasigurado noon," giit kong muli, sa kanya na.
Nag-angat siya ng tingin sa akin, hindi pa rin inaalis ang ngisi. "But still, I did make your heart flutter."
Pinigilan ko ang sarili ko at umiwas ng tingin dahil biglang nag-init ang magkabilang pisnge ko.
"Kaya pala sobrang pula."
"Ha?" Napabaling ulit ako sa kanya.
Umiling siya nang nakangisi. Bigla itong umayos ng upo at bahagyang hinarap ang buong katawan sa direksyon ko.
"You lied."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Ang sabi mo hindi mo alam kung kailan mo 'ko nagustuhan."
Unti-unting tumaas ang dalawang kilay ko nang maalala ang punto niya.
"Matagal na rin pala," he whispered while his eyes were all on mine.
Napakurap ako at hindi maalis ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko ay sobrang pula na ng mukha ko.
"Ehem."
Muli akong napakurap nang maalalang may nanonood ng pala sa amin.
Tuluyan akong humarap sa kanila habang ang nasa kaliwa ko ay saglit pa akong pinanood.
"So going back." Ngingisi-ngisi ngayon si Ashley habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa amin. "Anong nangyari sa inyo after ng party?"
Hindi ko kinuwento sa kanila ang nangyari sa akin pagkatapos ng gabing iyon dahil masyadong personal ang mga nangyari sa pamilya ko.
Bukod doon ay ayoko ring mahusgahan ang pamilya ko dahil alam kong maraming makakapanood nito. Isa pa, kuwento lang naman namin ni Vinaux ang pinag-uusapan dito.
Hindi naging katulad ng dati ang pakikitungo ni Mama kina Ate Ericka at Kuya Henry ngunit pinipilit niyang intindihin ang kalagayan ng dalawa, lalo na si Ate at ang kaniyang baby.
Pero kahit ganoon ay masasabi kong naging maayos at masaya naman kahit papaano ang pagsalubong namin ng bagong taon.
Ngunit naging mahirap para sa kanila ang mga nagdaang araw. Naghanap ng part-time job si Kuya para makatulong sa gastusin lalo na at kinailangan ni Ate na madalas na magpa-check up para sa kalagayan ng bata.
BINABASA MO ANG
When Two Universes Collide (High School Series #3)
Teen FictionVinaux Gabriel Monteverde is one of the hottest stars living in his universe who is admired by many students because of his talent and visual. He's the guitarist of a popular band on campus. Living in a different universe, a dedicated high school st...