Her POV
Naging busy ang sumunod na linggo para sa akin dahil sa isang school activity na isinagawa ng club namin, ang Interact Club. Minsan lang kaming magkaroon ng activity dahil hindi naman ganoon active ang club namin kumpara sa Gazette at Yes-O Club na kada month ay may event o gawain.
Sinuklay ko ang nakalugay kong buhok at ipinuyod iyon habang naglalakad papasok ng gym. Sumalubong sa akin ang mga busy'ng estudyante.
"Good morning, Shayne!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakitang si Yzel iyon, ang secretary ko sa club.
"Good morning din!" Nginitian ko siya.
Sabay kaming pumunta sa may bandang unahan, malapit sa may stage. Kinuha ko ang mga nakaayos na papel sa isang lamesa at tinignan muna iyon.
Nag-fill up na muna ako doon dahil paniguradong hindi ko na iyon magagawa mamaya. Pagkatapos ay ibinigay ko na ang papel kay Yzel.
"Ito 'yung attendance sheets at saka 'yung list ng mga activity natin ngayon."
Kinuha niya sa akin ang mga papel at binasa rin ang nakasulat. Tumango ito at nag-angat ng tingin sa akin.
"Doon kayo pumuwesto sa may entrance para daretso sa inyo ang mga students," sabay turo ko sa may entrance na nasa dulo.
"Noted," she smirked a little.
Saglit naman akong natulala nang maalala kung paano akong... magselos sa kanilang dalawa ni Vinaux noon.
Magselos...
Inamin na rin.
Natawa nalang ako sa isip. "Salamat, Yzel, at good luck!"
Ngumiti siya. Paalis na sana siya nang may maalala.
"Ah, wait." Inilahad niya sa akin ang papel kung saan nakasulat ang lista ng mga activity ngayong araw. "Mag-fill up ka na ng sasalihan mong activities, baka kasi magtanong 'yung isa."
Nahuli ko siyang ngumisi.
Naintindihan ko agad ang punto niya kaya bigla akong nakaramdam ng hiya. Sinulat ko ang pangalan ko sa mga activity'ng sasalihan ko. Automatic na sa packaging at organizing ako since ako ang president ng club kaya sa baby-sitting ko nalang isinulat ang pangalan ko.
"Thanks! Good luck din sayo!" she prettily smiled before leaving.
Binalingan ko ang lamesa at tinignan ang mga nakalistang aktibidad na gagawin buong araw.
Limang volunteer activities ang naisip naming isagawa sa event na ito na inorganisa ng Interact Club at SSG: Campus clean-up drive, baby-sitting sa mga elementary students, tree planting sa may Parkstall, packaging give-away school materials para sa huling programa, at pago-organize ng Give Love, Share Knowledge Project, ang highlight ng event na isasagawa mamayang hapon.
Mabuti nalang maayos at kumportable ang suot ko ngayon na isang white semi oversized t-shirt na nakadalawang tupi ang magkabilang mangas, fitted high-waisted faded denim pants, at white sneakers.
"Shayne!"
Muli kong hinanap ang tumawag sa akin. Nakita ko si Layla na papalapit sa akin habang kumakaway pa. May dala siyang plastic envelop na kung ano ang laman.
Ang mga Grade 10 students lang ang naririto dahil required ang lahat na sumali. Hihingin din kasi ito sa clearance namin na required namang makumpleto para maka-graduate kami.
"Oh?" usal ko nang makalapit siya.
Ngumisi siya matapos akong pasadahan ng tingin. "Fresh! Mamaya mukhang stress!"
BINABASA MO ANG
When Two Universes Collide (High School Series #3)
Ficção AdolescenteVinaux Gabriel Monteverde is one of the hottest stars living in his universe who is admired by many students because of his talent and visual. He's the guitarist of a popular band on campus. Living in a different universe, a dedicated high school st...