Her POV
Isang malaking tagumpay na naisagawa ng club namin ang Give Love, Share Knowlegde Project noong isang linggo. Maraming natuwa, lalo na ang OIC ng department naming si Mrs. Aguinaldo.
Hindi ko naman maiwasang ma-proud sa sarili ko dahil iyon ang unang beses na pangunahan ko ang isa malaking aktibidad sa school, ngunit hindi ko rin naman iyon magagawa kung hindi dahil sa tulong at kooperasyon ng mga kasama ko.
Isa pa sa nagpasaya sa akin ay ang mga batang audience ng programa namin. Hindi ko makakalimutan ang mga ngiting iginawad nila sa amin at ang tuwa nila noong ibigay namin ang mga regalong inihanda namin sa kanila.
Sa pagkakataon ding iyon, mas naintindihan ko ang gusto ng sarili kong maging sa hinaharap, ang pagiging isang guro.
"Gusto ko pong maging attorney," nakangiting sabi ng labing-dalawang taong gulang na ako kay Papa nang tanungin niya ako kung anong gusto kong maging.
Bata palang ako ay pinangarap ko nang maging isang abogado. Namamangaha ako tuwing mapapanood ko sa TV 'yung mga taong naka-coat, nagsasalita sa harap ng judge para ipagtanggol ang kliyente nila. Na-aastigan ako sa imbesitagasyong ginagawa nila para makahanap ng ebidensya. Lahat ng mga napanood ko, gusto kong gawin sa totoong buhay.
Lagi kong ini-imagine ang sarili kong nakasuot ng coat, kaharap ng judge, nag-iimmbestiga, humahanap ng ebidensya. Dahil doon ay mas lalo akong nasabik na maging isang attorney.
"Mahirap at magastos 'yan."
Sa sagot palang ni Papa, alam ko nang hindi mangyayari sa akin ang mga pinangarap ko.
"Pero, Pa, malaki naman po ang sweldo. Karamihan sa mga attorney, mayayaman."
Pinipilit ko si Papa na suportahan ako sa gusto ko ngunit ang sitwasyon na ng buhay namin ngayon ang humahadlang.
"Bago ka pa makapagtapos dyan, mamumulubi na tayo."
Magastos ang pag-aaral ng batas. Bukod sa tuition, libro palang, mahal na. Mataas ang pangarap ko at alam kong mahirap iyong abutin kung literal na mahirap ka lang.
"Iba nalang."
Doon ako nawalan ng pag-asa sa sinabi ni Paa. Alam kong hindi niya kaya kahit na gustuhin man niyang suportahan ako sa pangarap ko dahil sino ba namang magulang ang hindi matutuwa kung pinangarap ng anak mo ang isang mataas na propesyon tulad ng pag-aabogado.
Malungkot at disappointed ngunit unti-unti ko ring napagtanto na talagang mahirap. Minsan sa buhay, may mga bagay talaga na gustuhin mo man, kailangan mong i-give up dahil alam mong hindi iyon para sayo at hindi mapapasaiyo.
Pero siguro, isa na rin 'yon sa paraan para mas lalo mo pang malaman ang talagang gusto mo.
Kaya naman na-realize ko na mas magandang maging isang guro. Bukod sa isang serbisyong pampubliko ang trabahong iyon, mas naintindihan ko ang kagustuhan kong makapag-inspire ng mga bata.
Gusto kong maging abogado dahil gusto kong tumulong sa mga taong ilaban ang kanilang karapatan pero alam kong mas marami akong matutulungan kung pagiging guro ang ipu-pursue ko.
"What? Mathematics agad ang una?"
Napatingin ako kay Bell na mukhang aburido habang nakatingin sa schedule ng three-day examination namin na magsisimula bukas.
Kakatapos lang ng recess at nag-aabang nalang kami ngayon ng next subject teacher.
"Okay lang. At least, hindi sila sunod ng Trigonometry. Friday pa," natatawang sabi ko.
"Shayne, baka naman pwede mo kaming i-review?" sabat ng nasa gitnan namin ni Bell na si Eldrin.
Bell scoffed, "Wow. Akala ko hindi ka nag-aaral, pumapasok lang."
BINABASA MO ANG
When Two Universes Collide (High School Series #3)
Teen FictionVinaux Gabriel Monteverde is one of the hottest stars living in his universe who is admired by many students because of his talent and visual. He's the guitarist of a popular band on campus. Living in a different universe, a dedicated high school st...