Epilogue
"Congratulations Mr. and Mrs. Monteverde!"
Ashley greeted us with a big smile. Ngumiti rin ako sa kanya pabalik, gaya ng naaayon sa nararamdaman ko ngayon.
Nandito kami ngayon Apple and Peach Restaurant dahil naghanda ang ilang mga ka-batchmate namin ng mini congratulations party para sa amin ni Vinaux.
The atmosphere here inside the room feels familiar. Nasa tapat namin ang naka-upong si Ashley, katabi ang camera'ng nakalagay sa stand na nagfi-film sa amin ni Vinaux. Naka-upo naman kami sa magkabukod na bangko, may tatlong talampakan ang layo sa isa't-isa.
Ang mga kaibigan at mga ka-batchmates naming sila Bell, Karina, ang Banda Acustan, sila Vince, Aleya, Katrinah at ang ilan pa ay nasa likod ni Ashley, nakangising pinapanood kami.
"We were really shocked of the news! Especially your fans." Ashley chuckled.
Naramdaman ko ang paglingon sa akin ni Vinaux. Tinignan ko rin siya at nginitian. Bumaba ang tingin niya sa space na pagitan namin. I chuckled when I saw him frowned.
"But we are all happy on your wedding, and your baby!"
Naibalik ko ang tingin sa babae. She looks excited. Narinig ko ang kantsawan ng mga kalalakihan, nangunguna doon sila Acustan at Eldrin. Vinaux laughed as he tried to shut them up.
"Thank you, Ash," nakangiting saad ko sa kanya.
Kinasal kami isang linggo palang ang nakakalipas. Simple lang ang kasal na naganap sa munisipyo dahil iyon muna ang napag-pasiyahan naming dalawa ni Vinaux. Dapat ay engrande ang kasal na gaganapin dapat sa simbahan gaya ng ginusto niya ngunit dahil sa pagbubuntis ko kaya nabago.
He proceed to his plan B at iyon nga ang nangyari na matagal na raw niya palang pinilano bago pa ako makabalik dito.
Gusto ko sanang ituloy na sa simbahan magpakasal para mas sagrado at makabuluhan pero ang sabi niya ay baka ma-stress lang ako sa preparation. Bawal daw 'yon sa akin at sa baby niya.
Bigla kong naalala iyong araw na sinabi ko sa kanya na buntis ako. Akala ko talaga, hindi niya paninindigan ang bata. Halos madurog ang puso ko nang sabihin niya iyon.
"You're still crying," he teased me.
Matapos ang ilang halikan, yakapan at panunuyo niya sa akin pagkatapos akong i-prank kanina sa bahay ko ay nandito na kami ngayon sa kotse niya.
"Akala ko talaga..." Pinunasan ko gamit ang dalawang kamay ang mga luhang kanina pa rin tumutulo mula sa mga mata ko.
Hindi ko alam kung tears of pain or joy ba ito. Bukod kasi sa inakalang hindi niya tatanggapin ang baby namin ay nag-propose na rin siya. Hindi man lang nagsabi.
"I'm sorry," he softly said before grabbing my hand.
Marahan niya iyong hinaplos. Lumipat ang tingin ko sa kanang kamay kung saan nakasuot ang engagement ring. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang maiyak na naman dahil sa pagiging emosyonal.
Vinaux saw me. He thought I'm going to cry because of his prank so he tried to comfort me again and lighten up my mood.
"I thought you'll just punch me. Hindi ko alam na iiyak ka ng malala," biro niya pa.
I sniffed, feeling annoyed. "Sinong hindi iiyak kung ka panindigan ng nakabuntis sayo, ha?"
He laughed heartily like he was amused with me being emotional right now.
"I'm sorry." Lumapit siya sa akin upang halikan ang aking sentido.
Umirap ang namamasa kong mga mata. I sniffed once again. Napatingin ako sa kanya nang maglahad siya ng panyo. Pasiring kong kinuha 'yon. Nahuli niya 'yon kaya humalakhak siya.
BINABASA MO ANG
When Two Universes Collide (High School Series #3)
Novela JuvenilVinaux Gabriel Monteverde is one of the hottest stars living in his universe who is admired by many students because of his talent and visual. He's the guitarist of a popular band on campus. Living in a different universe, a dedicated high school st...