Chapter 22

412 16 0
                                    

Her POV

"Paakyat na si Sir Jay! Pakiayos ng mga upuan," anunsyo ko sa kanila.

Iba't-ibang reaksyon ang ginawa nila. May napa-'ha?' ng malakas, may nagulat, may nagreklamo. Ngunit alam kong iisa lang ang ibig sabihin n'on.

"Awit!" dismayadong usal ni Daniel habang naglalaro sa kaniyang cellphone.

Nakumpira kong Mobile Legends iyon nang marinig ang pamilyar na boses ng isang babae.

"Bayang Magiliw..."

Nailipat ko ang tingin sa katabi niyang si Yanni nang bigla itong kumanta.

Natatawa siyang binatukan ni Daniel. "Bobo!"

Natawa nalang rin ako sa dalawa. Pabalik na sana ako sa upuan nang may tumawag sa akin.

"Akala ko wala ng klase?" tanong ni Ryla.

"Bakit mawawalan ng klase?" nagtatakang tanong ko. 

"Kasi magki-Chirstmas party na!" sagot ng katabi niyang si Hanna na parang proud na proud pa.

Sinuportahan pa siya ni Laiza. "Oo nga! Dapat preparation nalang tayo ngayon!"

Natawa ako at nagkibit-balikat nalang, "Pinapasabi ni Sir, eh."

Ngumuso si Laiza, "KJ ni Sir!"

Natawa ako at tuluyan nang naupo sa pwesto ko.

"Sinong KJ?" Saktong pagpasok ni Sir Jay sa room namin.

Napatayo si Laiza, "Ay, Ser! Hi po!"

Pabiro siyang sinamaan ng tingin ni Sir habang naglalakad papunta sa gitna. Nang makarating doon ay itinuon niya ang dalawang kamay sa lamesa at inilibot ang paningin. 

Napatingin ako kay Eldrin na ngayon ay halos humiga na ang pwesto sa upuan habang nagce-cellphone. 

"Ayos ng upo." Tinapik ko ang tuhod niya.

"Ay, sorry, mare." Napa-ayos siya ng upo. 

Napailing nalang ako at ibabalik na sana ang tingin sa unahan nang magsalita ulit ito.

"Kinukumusta ka pala ni Vin."

Tumaas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya.

Nakita ko ang pagngisi ni Bell.

"Kayo na?"

Nanlalaki ang mga mata kong napalingon sa nasa kaliwa kong si Gino nang marinig iyon.

"Hindi, 'no." Umiling pa ako.

Tinignan niya ako ng may malokong ngiti. Narinig kong may sinabi si Eldrin. 

"Makinig na nga lang kayo kay Sir," pagtapos ko sa usapan.

"Umiiwas," bulong naman ni Eldrin.

Nanliliit ang mga matang binalingan ko siya.

"Sana all," ngumiti lang siya.

Mas lalong nanliit ang mga mata ko, "May girlfriend ka, 'di ba? Taga ibang school?"

Bahagyang lumungkot ang mukha niya. "Break na kami."

"'Di nga?" gulat kong usal.

Tumango siya, "Last week."

"Sorry." Iyon nalang ang sinabi ko.

He chortled, "Gagu 'to. Para naman akong namatayan."

Bell laughed too. Napa-iling nalang ako, natatawa.

When Two Universes Collide (High School Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon