Chapter 31

386 18 1
                                    

Trigger warning: Suicide

Her POV

Naging makabuluhan ang simula ng aking bakasyon. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling naging ganito kasaya.

Iba't-ibang klase ng sayang ipinararamdam sa akin ni Vinaux. Sa bawat araw na nagdaan, lalo pa kaming nagiging mas malapit sa isa't-isa. Nagiging mas kumportable na rin ako sa kanya dahil sa madalas naming pagkikita.

Nang dumating ang Moving Up Ceremony namin, si Papa ang kasama kong umakyat sa stage. Siya ang nagsabit ng medalya ko bilang isa sa mga With High Honor ng batch namin. Sobrang saya nila ni Mama, lalo na si Chris nang makita ako sa stage.

Hindi naman nakadalo si Ate Ericka dahil sa kalagayan niya. Ganoon rin si Kuya Henry na nag-aalaga naman sa kanya.

Sulit ang mga hirap ko sa pag-aaral dahil nagawa kong maging proud sa akin ang mga magulang ko. Kahit papaano, sa pamamagitan nito ay nagawa kong suklian ang pagsasakripisyo nila para mapag-aral ako sa isang pribadong paaralan.

Sa parehong araw ding iyon, ipinakilala ko si Vinaux sa kanila bilang boyfriend ko. Doon pa ako mas kinabahan sa magiging reaksyon nila Mama.

Magalang at maingat na nagpakilala si Vinaux kina Papa. Todo suporta naman si Chris sa lalaki. Hindi na ako nagulat nang maging seryoso sila Papa ngunit kahit nababahala ay hindi naman sila naging tutol sa relasyon namin. Mas lalong naging masaya ang araw na iyon dahil doon.

Nag-aya pa sila Tita Lery na mag-lunch sa bahay nila. Magalang na tumanggi si Mama dahil may sarili kaming selebrasyon. Naintindihan naman nila iyon kaya nagpaalam si Vinaux sa mga magulang ko na magdi-date kami bukas. Kahit hindi sigurado, pumayag pa rin sila bilang premyo na rin siguro nila sa akin.

Inabuso na namin ni Vinaux ang mga araw ng Mayo sa pagkikita. Laking pasalamat ko at pumapayag sila Mama sa mga pag-alis-alis ko. Nakaka-ilang date kami sa bawat lingo. Minsan ay araw-araw pa nga kaming nagkikita. Sa Mall, parke, beach, Bayan, at minsan ay sa bahay nila.

Isang beses ko lang naman nadala si Vinaux sa bahay, noong wala ang mga Tita at Tito ko. Iyon ang sabi ni Mama. Ayaw niya kasing may marinig si Vinaux sa bunganga ng mga ito. Hindi rin nagpakita si Ate Ericka at nanatili sa kwarto hanggang sa umalis si Vinaux. Iyon din ang inuutos ni Mama kay Ate dahil ano nalang daw ang iisipin ng boyfriend ko sa pamilya ko.

Ngunit ng unang linggo ng Hunyo, lumipad sila Vinuax sa Australia para magbakasyon. Hindi ako sanay na hindi siya makita kaya sobrang namimiss ko siya. Pero hindi niya hinayaang hindi kami makapag-usap sa bawat araw.

Nagiging okay na ulit sana ngunit hindi ko inaasahan ang mangyayari sa mga sumunod na araw.

"Anong bang iniisip mo, ha! Ericka?!"

Nagising ako sa malakas na sigaw ni Mama. Napatingin ako kay Chris na naka-upo sa kama, sa tabi ko. Nilingon niya ako.

"Ate, nag-aaway na naman sila."

Umupo ako mula sa pagkakahiga at lumapit sa kanya. Tinignan niya ako. Bumagal ang pagkisap ng mga mata ko habang tinitignan siyang nahihirapan.

Ngumiti ako, "Inaantok ka pa? Matulog ka muna."

"Hindi po ako makatulog." Nanatili siyang walang reaksyon.

"Bakit mo ipapalaglag ang bata?!"

Sabay kaming napatingin sa naka-awang na pinto ng aming kwarto nang marinig ang galit na tinig ni Mama.

"Ano? Nahihirapan ka na?"

Napatayo ako at tahimik na lumapit sa may pinto upang sumilip. Nakatungo si Ate na parang kasasampal lang sa kanya ni Mama at humahagulhol. Nakatalikod sa akin si Mama.

When Two Universes Collide (High School Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon