Her POV
"Bakit?"
Tinignan ko si Vinaux sa mga mata habang pilit na kinakalma ang sarili matapos marinig ang mga sinabi niya.
"Bakit ka nagsinungaling?"
Gulat pa rin ako nang malamang... hindi niya ako kinalimutan dahil buong akala ko noon ay puno ng galit ang nararamdaman niya sa akin.
Pinagmasdan kong muli ang reaksyon niya. Kitang-kita ko ang sakit sa kaniyang mga mata na pinipilit niyang labanan. Bakit, Vin?
"Bakit hindi ka pa rin maka-move on sa akin?" I slowly muttered.
Umiwas siya ng tingin.
Muli kong naalala ang nakaraan namin. In those memories, I can still clearly see in his eyes how in love he was with me.
Maraming nagsasabi na patay na patay daw siya sa akin pero hindi ko iyon pinaniwalaan dahil kilala ko ang mga lalaking katulad niyang gwapo at sikat. Mahilig paglaruan ang damdamin ng mga babae. Magpapapansin, mangungulit, magpapakita ng ibang intensyon, at kapag nahulog na, saka iiwan.
Ngunit nagkamali ako sa kanya dahil ibang-iba siya.
"Bakit hindi mo ako makalimutan? Kasi first girlfriend mo 'ko?"
Binalik niya ang tingin sa akin matapos akong marinig. Malumanay ang mga matang ipinukol niya sa akin. Lumambot din ang ekspresyon niya.
"Ikaw ba? Nakalimutan mo agad ako pagkatapos nating maghiwalay?"
Alam ng sarili ko ang sagot sa tanong niya ngunit hindi ko 'yon sinabi dahil wala akong lakas ng loob para aminin iyon sa harapan niya.
"Kaya ka ba lumalapit sa 'kin ngayon dahil... mahal mo pa rin ako?" pambabalewala ko sa sinabi niya. "O baka... dahil nagsisisi ka na hindi mo ako pinakinggan noon?"
Tumawa siya ng mapakla. "Ako na 'yung naloko at nasaktan pero bakit parang kasalanan ko pa?"
"Naloko at nasaktan?" I scoffed before closing my notebook.
Hindi ako makapaniwalang pinaninidigan pa rin niya ang 'assumption' niyang iyon.
"So ano ako? Nanloko at nasiyahan?"
Humalo ang galit at iritasyon sa mga mata niya matapos marinig ang sinabi ko.
"What are you trying to say, then? That I'm wrong? That you didn't cheat on me?"
Gusto kong magsalita. Gusto ko siyang sigawan lalo na nang maalala kung paano niya ako basta nalang iniwan noon. Gusto kong magpaliwanag pero para saan pa?
"Nakita ko kayong dalawa, Shayne, magkasama. Ngayon mo sabihin sa aking mali ako, na hindi niyo ako niloko." He looked at me with those dangerous eyes, clenching his jaw really hard before looking away.
"Bakit noon, hindi mo ako mabigyan ng kaunting minuto para sabihin 'yung side ko?" Huminga ako gamit sa bibig nang magbara ang ilong ko. "Tapos ngayon, pinage-explain-in mo 'ko?"
Pinanood niya ako na parang nagsisisi. Hindi ko iyon pinansin at taas noo siyang tinignan.
"Para saan pa? Tapos na tayo, 'di ba?"
Mariin siyang napapikit. "Fuck!"
Namumula na ang kaniyang dalawang tenga niya at mas lalong umigting ang kaniyang panga. Hindi ako nagpatinag.
"Hindi lang ako ang may kasalanan kung bakit nasira ang relasyon natin, kung bakit ka nasaktan, at kung bakit nahihirapan kang mag-move on. Hindi lang ako, Vin."
Napatayo siya bago pagkatapos imulat ang mga mata. Tumalikod siya sa akin. Pinanood ko ang pagbaba at pagtaas ng balikat niya dahil sa paghinga bago ako muling hinarap.
BINABASA MO ANG
When Two Universes Collide (High School Series #3)
Novela JuvenilVinaux Gabriel Monteverde is one of the hottest stars living in his universe who is admired by many students because of his talent and visual. He's the guitarist of a popular band on campus. Living in a different universe, a dedicated high school st...