Her POV
Napatingin ako sa cellphone ko nang umilaw iyon. Inabot ko iyon nang hindi umaalis sa pagkaka-upo dahil inaayos ni Ate Ericka ngayon ang buhok ko, at binasa ang bagong chat galing kay Bell.
Bellarain Montrivalle:
We're here. Susunduin ka ba ni Vinaux?Agad akong nagtipa ng irereply.
Me:
Oo. Inaayusan pa ako ni Ate pero mukhang patapos na. Marami ng tao?Naramdaman ko ang init sa kaliwang tenga ko galing sa plantsang pambuhok. Medyo napa-ilag ako, natatakot na baka mapaso.
"Tapos na," rinig kong sabi ni Ate.
Tumayo ako upang tignan ang sarili sa salamin, unti-unting napangiti nang ma-satisfied sa sarili. Naka-fairy costume ako ngayon gaya ng ginusto ni Ate Ericka at Mama.
Kulay asul ang strapless sweetheart neckline tulle dress na suot ko, punit-punit ang dulo na hanggang tuhod ang haba. May mga naka-embroid ding ilang bulaklak sa ibaba nito. Nakasuot pa ako ng strappy sandals na hanggang binti ang taas, binili ni Mama kahapon.
Ang buhok ko naman na kinilot ni Ate ay nakalugay. Nilagyan pa niya nang ilang bulaklak doon at parang glitters na hindi ko alam kung saan niya nakuha. Nilagyan na rin ako ni Ate ng light make-up, glossy at may mga glitters. Medyo makati pero kaya naman.
"Salamat, Ate," nakangiting baling ko sa kanya.
"Gandang-ganda ka naman?" Tumawa ito, pabiro. "Joke lang. Maganda ka naman talaga."
Lumabas na kami nang marinig ang pagtawag ni Mama sa akin. Natigalan naman ako nang maabutan si Vinuax sa sala kausap sila Papa. Tumagal ang titig ko sa suot niya.
Naka white long-sleeve silk shirt ito na may naka-embroid na mga bulaklak doon, hanggang siko ang tupi ng sleeves at naka-unbutton ang dalawang butones sa taas. Naka-tucked in naman iyon sa kanyang dark blue pants. Naka-itim na sapatos at silver chain necklace ito na mas lalong nagpa-gwapo sa kaniya. Ang nakakapagtaka lang ay kung bakit iyan ang costume niya ngayon.
Nang makita niya ako ay saglit siyang napatitig. Ako na ang nagpaalam kila Mama dahil wala pa ring galaw ang lalaki hanggang ngayon. Kahit nang makalabas kami, wala pa rin siyang imik.
Kaya naman nang nasa kotse na kami ay tinignan at kinunutan ko siya ng noo.
"H-hey..." bati niya kahit kanina pa kami magkasama.
Pinigilan kong ngumiti. "Okay ka lang?"
Umiling siya, napapikit at tumango. "Bagay sayo..."
Hindi ko na napigilang ngumiti. "Salamat."
Pinasadahan ko ulit siya ng tingin. "Anong costume mo?"
Ngumisi siya, mukhang nakabawi na talaga. Nagulat naman akong nang bigla itong lumapit sa akin. Tinagilid niya ang ulo niya at may kinuha sa likod. Napunta tuloy ang tingin ko sa kaniyang panga pababa ng kaniyang leeg. Nag-init bigla ang mukha ko.
"Your flower." Ipinakita niya sa akin ang isang sunflower.
Akala ko ay props niya ang bulaklak pero ibinigay niya iyon sa akin. May kinuha siya ulit sa likod at natawa ako nang isuot niya iyon. Isang headband na may disenyong bulaklak.
"Hm... cute mo," ngingiti-ngiting komento ko.
Tinagilid ko ang ulo ko nang mapansin ang pagkatigil nito. He's just staring at me. Ilang saglit pa ay iniwas nito ang ulo sa akin at mariing napapikit.
"Bakit ka naman... nambibigla," bulong niya.
Mas lalo akong natawa, "Sorry."
Hindi pa rin niya ako tinitignan. Pansin ko rin ang pamumula ng tenga pati na ang leeg nito.
BINABASA MO ANG
When Two Universes Collide (High School Series #3)
Novela JuvenilVinaux Gabriel Monteverde is one of the hottest stars living in his universe who is admired by many students because of his talent and visual. He's the guitarist of a popular band on campus. Living in a different universe, a dedicated high school st...