Her POV
Habang naglalakad papasok sa amin, hindi ko maiwasang alalahanin ang mga nangyari nang magsimula ang pasukan. Ang pagtambay ni Vinaux sa room namin. Ang pagbati niya sa akin ng 'good morning' kapag papasok ako tuwing umaga. Ang pag-imbita niya sa akin sa party niya. Ang biglaang pagkikita namin noong birthday niya. Ang pagpunta niya sa mall nung sabihin ni Bell na doon kami maglu-lunch.
Napabuntong-hininga ako. Pinagtitripan nga lang ba ako ni Vinaux?
"Ang kapal naman ng mukha mo, Felly!"
Natigil ako sa paglalakad nang marinig ang pagsigaw ni Tita Jean. Namataan ko siyang kaharap si Mama sa tapat ng pagitan ng bahay namin at nila Lola.
"Ako pa ang makapal ang mukha? Eh, kayo nga 'tong nakikisaksak lang sa lupa namin eh!" pabalik na sigaw ni Mama sa kanya.
Nakita kong nagsisilipan sa bintana ang ilan sa mga kapitbahay.
"Hah!" sarkastikong tumawa si Tita Jean. "Lupa niyo? Baka ni Kuya! Bakit? Ikaw ba bumili ng lupang 'to? Hinde! Nakikisaksak ka lang din dito sa lupa niya."
Napapikit ako at huminga ng malalim nang makaramdam ng iritasyon kay Tita.
"Ano bang nangyayari rito?!"
Napamulat ako nang marinig ang matanda ngunit malakas na sigaw ni Lolo. Galit ang mukha niya nang lumabas sa bahay kung saan din nakatira sila Nika at Tito June.
Nilapitan siya ni Tita at agad na nagsumbong. "Ito kasing magaling na asawa ni Kuya, biglang nanunugod."
Mas lalong lumukot ang mukha ni Lolo sabay harap kay Mama. "Ano ba, Felly?!"
Kitang-kita ko ang pagbaba-taas ng dibdib ni Mama sa marahas na paghinga. Napahakbang ako.
"Tay, hindi ho ako nanunugod. Pinagsasabihan ko lang si Jean na huwag pabayaang bukas ang gripo nila dahil kami ang hindi nakakagamit," giit ni Mama sa matapang na boses ngunit mayroon pa ring bahid ng pagrespeto.
"Wala kang karapatang pagsabihan ang anak ko!"
"Nagbabayad kami ng tubig, mas malaki pa nga ang ambag namin kung tutuusin tapos kami pa 'tong hindi makakagamit?" Mapaklang tumawa si Mama.
"Eh, ano ngayon? Nagbabayad din naman kami, ah?" singit ni Tita Jean. "Ang sabihin mo, gusto mo lang kaming palayasin dito."
"Aba'y yanong galing mo naman, Felly. Hindi mo 'to lupa kaya wala kang karapatan!" suporta ni Lolo sa magaling na anak. "Bahay 'to ng anak ko at may karapatang tumira dito ang iba pang anak ko. Ikaw ang walang karapatan."
Doon na natawa si Mama. "Ha? Bobo ho ba kayo? Asawa ako ng anak niyo, tay. May-ari ng lupang 'to! Sinong may sabing wala akong karapatan?"
Sumang-ayon ako kay Mama. Nakakatawa lang isipin na sinasabi nilang walang karapatan si Mama sa lupang ito. Hindi ba nila maintindihan na ang may-ari ng lupang ito ay asawa niya kaya mayroon siyang karapatan dito? O sadyang ayaw lang nilang tanggapin kaya nagbo-bobohan sila?
"Aba't sumasagot ka pa!"
Mabilis ko silang nilapitan nang itaas ni Lolo ang kamay niya at akmang susugod kay Mama.
"Lo!" Tumaas ang boses ko sa gulat. Hinarap ko si Mama. "Ma, huminahon ka muna, please."
"Huwag kang maki-alam dito, Shayne!"
Napahinto ako nang sigawan ako ni Lolo.
"Pasensya na po pero nanay ko ang inaaway niyo rito. Hindi po pwedeng hindi ako makialam," mahinahon kong sagot.
Napasinghap si Tita Jean at napa-iling. "Manang-mana talaga."
"Ano, Jean?" Napunta ang atensyon ni Mama sa kanya. "Ikaw, ah? Kung galit ka sa akin, huwag mong idadamay ang anak ko. Dinidiktahan mo pa 'yang anak mo na huwag lapitan si Shayne. Bakit, ha? Wala namang ginawa ang anak ko sayo."
BINABASA MO ANG
When Two Universes Collide (High School Series #3)
Teen FictionVinaux Gabriel Monteverde is one of the hottest stars living in his universe who is admired by many students because of his talent and visual. He's the guitarist of a popular band on campus. Living in a different universe, a dedicated high school st...