Chapter 27

375 15 0
                                    

Her POV

"Shayne!"

Kabababa palang namin ni Mama sa tricycle nang makita ko si Jamirah na papalapit sa amin. Naka blue t-shirt ito na may logo ng MEFI sa gitna, light blue jeans, at sneakers, gaya rin ng suot ko ngayon.

Mag-aalas singko palang ng umaga kaya madilim pa ang paligid. Sinamahan ako ni Mama upang ihatid dito sa tapat ng kabilang campus ng MEFI kung saan nakaparada ang mga nakahilerang bus na gagamitin sa fieldtrip namin papuntang Manila.

"Mama," tawag ni Jamirah sa katabi ko matapos kaming magbatian.

Niyakap ni Mama si Jamirah. Napangiti ako habang nakatingin sa kanila. Napunta ang tingin ko kay Luke na papalapit sa gawi namin. Gaya ko ay naka campus shirt din siya, black jeans, at black sneakers.

Nginitian niya ako nang magkatinginan kami. Narinig ko si Mama na nagpasalamat kay Jamirah sa ginawa nilang pagbayad sa fee ko bago pa sila maghiwalay sa pagkakayakap.

"Mag-ingat kayo," bilin niya sa amin nang tawagin na kami upang pasakayin sa bus.

Naunang magpaalam ang magkapatid. Isinakbit ko naman sa kanang balikat ko ang bag na dala ko.

"Mag-text ka 'pag nandoon na kayo," paalala niya sa akin.

Ngumiti ako, "Opo."

Tumango siya at pinanood akong umakyat sa bus.

"Bye, Ma." Kinawayan ko siya bago tuluyang pumasok.

Nakita ko rin siyang kumaway bago muling sumakay sa tricycle na sinakyan namin kanina. Tinanaw ko pa ang pag-andar at paglayo niyon.

"Shayne!"

Nakangiting kumaway si Layla at napatayo mula sa pagkakaupo upang lapitan ako. Nanatili muna ako sa gitna dahil hindi ko alam kung saan uupo o kung may sitting arrangement ba. Kaunti palang kami rito at kahit si Bellarain ay wala pa.

"Makakapunta na rin ako sa Maynila!" Bakas sa boses niya ang sobrang excitement.

"Hindi ka pa nakakapunta sa Manila?" tanong ko sa kanya kahit halata na naman sa reaksyon niya ang sagot.

"Hindi pa," ngumuso siya bago itaas ang dalawang kilay. "Ikaw rin?"

Umiling ako bilang pagsagot. Ngumisi siya, mas lalong na-excite.

"At least hindi lang ako ang mag-isang mababano ro'n!"

Natawa ako sa sinabi niya.

Kahit ako ay hindi na rin mapigilan ang excitement. Ito ang unang beses na makakarating ako sa Maynila. Maganda raw at maraming tao roon. Marami ring pwedeng pagpasyalan. Mas lalo pa akong nasabik.

Kaya sobrang pasalamat ko kina Jamirah at Luke. Dahil sa kanila, makakarating na ako roon. Iyon na siguro ang una't-huling punta ko sa Maynila at malabo nang masundan kaya naman nanamnamin ko na ang mga tanawing makikita mamaya.

Ilang minuto pa ay dumating na rin si Bell na naka white hoodie, sakbit ang branded na bag sa balikat.

Unti-unti na ring dumami ang mga estudyante. Hindi lahat ng kaklase ko sa section namin ang nakasama kaya baka may makasama rin kami sa bus mula sa ibang section.

Pumasok si Sir Jay at Ma'am Toni na makakasama namin sa buong biyahe at pinaupo na kami ayon sa sitting arrangement na binigay sa amin, ngunit nang bumaba ulit ang dalawang guro ay nagsilipatan ang iba dahil hindi gusto ang katabi.

Si Daniel sana ang katabi ko pero pinalipat siya ni Bell na nakaupo naman kanina sa tapat namin. Si Bell na ngayon ang katabi ko.

"Magkasama sa bus ang Arguilla at Arcellana," balita niya sa akin.

When Two Universes Collide (High School Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon