Her POV
Huling ng araw ng Abril, sinagot ko si Vinaux kahit iginiit niyang manliligaw palang siya. Naisip ko ang mga sinabi ni Layla at tama nga siya. Para saan pa ang panliligaw niya kung halos isang taon siyang naging ganoon sa akin. Walang nagbago.
Siguro nagawa ko iyon dahil sa ito ang unang beses na mangyari ito sa akin, na may magkagusto sa akin, ng matagal. Pakiramdam ko naman, okay lang na sagutin ko agad si Vinaux kahit hindi pa siya nanliligaw.
Sapat na sa aking napaparamdam niya ang feelings niya para sa akin. Hindi ko na kailangang usisain pa iyon sa pamamagitan ng panliligaw niya dahil sa pagiging vocal niya. Makikita rin naman sa mga kinikilos niya ang kaniyang intensyon. Nagtitiwala ako sa kanya.
Pero hindi ko maikakaila ang maliit na takot na nararamdaman. Wala pa akong masyadong karanasan sa mga ganitong bagay, sa pag-ibig. Ito ang unang beses at natatakot ako sa mga posibleng mangyari, na baka... hindi ko kayanin.
Hindi ko sinabi kina Mama at Papa ang tungkol sa amin ni Vinaux dahil pakiramdam ko, tututol sila dahil na rin sa nangyari kay Ate Ericka at Kuya Henry.
Kahit na alam nilang responsable ako at alam ko ang mga limitasyon ko, hindi pa rin maaalis ang pag-aalala nila dahil parang naging trauma na sa kanila ang nangyari sa dalawang kapatid ko.
Hindi ko muna, sa ngayon, sasabihin sa kanila. Maghahanap pa ako ng tamang pagkakataon para roon.
Gaya nga ng ipinangako ko kay Bell at Layla, sinabi ko na sa dalawa ang tungkol sa amin ni Vinaux. Gulat ang dalawa ngunit masaya naman para sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit kinausap pa ni Bell nang masinsinan si Vinaux pagkatapos iyong malaman.
Ganoon pa rin naman ang mga nangyayari sa amin sa mga sumunod na araw matapos ko siyang sagutin, iyon lang, mas naging clingy at papansin 'tong si Vinaux.
"Tan, kumusta si Vin?"
Napa-angat ako ng tingin at nilingon ang katabi kong si Eldrin nang marinig iyon.
Ngumiti siya sa akin at muling hinarap si Acustan. "Kaya pa niya?"
Napabaling ako kay Acustan. Nakita ko ang isang beses na pag-iling nito.
"Hindi nga eh, nahihirapan daw. Mukhang kailangan ng tulong." Saglit siyang sumulyap sa akin ngunit mabilisan lang iyon.
I heard Bell's scoff.
"Tulong?" Narinig ko si Layla
Bahagya akong nagulat nang isang beses niyang yugyugin ang balikat ko. "Shayne, kailangan daw ng tulong daw ng boyfriend mo!"
I frowned when she said that loudly. Napatingin tuloy ang iba sa amin.
Hindi naman sikreto ang relasyon namin ni Vinaux. Ang totoo, alam iyon ng lahat, pati mga teachers. Kaya walang klase ata na hindi ako tinukso ng mga guro.
"Kawawa naman. Ang daming gawa n'on, 'di matapos," malungkot pang dagdag ni Eldrin.
Bell once again laughed.
Binalingan ko si Eldrin ng tingin. "Nasa room?"
"Hindi." Umiling siya, ngingiti-ngiti. "Nasa library."
Napatingin ako sa orasan. Last subject namin ngayong hapon at naghihintay nalang ng pagdating ni Ma'am Toni.
Hinawakan ni Layla ang braso ko at pilit itinayo. "Sige na! Pumunta ka na. Mukhang wala na naman si Ma'am. Kapag dumating, sabihin nalang namin nasa landian pa-"
Pinutol ni Bell ang sasabihin niya. "Go, Shayne. Your boyfriend seems to badly need your help."
She mischievously smirked. They're teasing me. I sighed.
BINABASA MO ANG
When Two Universes Collide (High School Series #3)
Teen FictionVinaux Gabriel Monteverde is one of the hottest stars living in his universe who is admired by many students because of his talent and visual. He's the guitarist of a popular band on campus. Living in a different universe, a dedicated high school st...