Her POV
"Nakakagulat ka naman talaga, Ma'am!"
Iyon pa rin ang bungad sa akin ni Ma'am Jena nang pumasok ako sa faculty ngayong umaga. Hindi pa rin sila makapaniwala na boyfriend ko si Vinaux.
Kahapon, nang bumalik ako sa faculty pagkatapos naming mananghalian ni Vinaux sa labas, agad nila akong in-interview tungkol sa relasyon naming dalawa. Muntik pa nga kaming ma-late sa kani-kaniyang klase dahil sa pagku-kuwentuhan.
"Hindi mo sinabi sa amin na girlfriend ka ni Engineer."
Napabaling ako kay Ma'am Dina at natawa. Hindi ko nga rin alam, eh.
Inilagay ko ang bag ko sa bangko at hindi muna naupo doon upang harapin ang dalawang guro. Ang ibang mga kaco-teachers ko naman ay busy sa kani-kanilang ginagawa.
"Siya ba 'yung ka-date mo last week?" tanong ni Dina.
Umiling ako. "Hindi. Kaibigan 'yon."
Nagkatinginan pa sila, parang hindi naniniwala sa sinabi ko.
I chuckled. "Babae."
Nagtanguan sila. Napasinghap naman si Jena.
"Nakakahiya. Harap-harapan namin pinagpapantasiyahan ang boyfriend mo."
Dina awkwardly chuckled. "Pagpasensyahan mo na kami, Maam."
Natawa ako sa kanilang sinabi at saka naupo upang i-check ang mga gagawin ngayong umaga.
"Eh, saan pala kayo galing kahapon? Hindi na kayo bumalik sa office," maya-mayang tanong ni Dina.
I pouted, preventing myself to smile. "Kumain kami sa labas."
I heard Jena's dreamy gasp. "Ang sweet ni Engineer. Sinolo si Ma'am!"
Last period pa ng umaga ang klase ko matapos ang klase sa Grade 5 kanina kaya nag-check muna ako ng mga hindi natapos na activities ng mga estudyante ko sa Grade 6. Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ko.
[You didn't call me. What happened?]
Iyon agad ang bungad ni Bell nang sagutin ko ang tawag.
"Nakita niya ako."
She laughed at my obvious answer.
[Of course. Nasa iisang school kayo. Tapos ano?]
Kinuwento ko naman sa kanya ang mga nangyari kahapon gaya ng ginusto niyang gawin ko.
[Oh my god, Shayne. That's really, really...]
Hindi niya masundan ang sasabihin.
[So now, you two are back together?]
I paused with what she said. Hindi ba kami na ulit?
Hindi ko na siya nasagot nang marinig ang pagtunog ng bell.
"Tawagan kita, ulit. May klase lang ako."
Narinig ko ang pagtawa niya. [Okay. Good luck, Ma'am.]
I chuckled. "Bye."
Holding my things I usually brought, I went out the faculty. Hindi katulad ng kahapon ay medyo relaxed akong naglalakad ngayon papunta sa gusaling malapit sa nire-renovate na building dahil doon ulit ang klase ko.
I was about to enter the building when I saw Vinaux talking to Sir Aranilla, again. Parang naramdaman niya ang presensiya ko kaya naputol ang tingin niya sa president at nahanal agad ako.
He smiled boyishly. May sinasabi sa kanya si Sir Aranilla nang itaas niya ang kaniyang kamay at bahagyang kumaway sa akin. Napabaling tuloy sa akin si President.
BINABASA MO ANG
When Two Universes Collide (High School Series #3)
Teen FictionVinaux Gabriel Monteverde is one of the hottest stars living in his universe who is admired by many students because of his talent and visual. He's the guitarist of a popular band on campus. Living in a different universe, a dedicated high school st...