Chapter Six: Passionate Kiss

10K 232 2
                                    

VENUS POV

Nandito ako sa kwarto ko sa bahay. Nag iimpake kasi ako. Si leo kasi biglaan ang lakad. Aalis daw kami hindi naman sinabi sakin kung saan.

/Flashback/

Nagising ako at nadatnan ko si leo na may binabasa. Agad akong napa upo.

'Leo ano yan? Ako na gagawa nyan' - sabi ko habang inaagaw ko yung mga papel sakanya.

'Nakatulog ka ba ng maayos' - tanong nya.

Tumango tango lang ako. Pero sa totoo lang, masakit yung ulo ko. Ang weird pa nga. Yung tipong naka tanga ako ng mahigit limang minuto sa kisame bigla nalang nagdilim yung paningin ko sa hindi ko malaman na dahilan.

Inayos ko yung papel at binigay ulit sakanya, kinuha nya yung ballpen nya sa coat nya at pinag pipirmahan lahat yun.

'Sya nga pala, aalis tayo.' - sabi nya.

'H-huh? Saan?'

Tumayo sya at nag lakad patungo sa pinto. Tumigil sya dun.

'Mag impake ka na. Susunduin kita bukas ng hapon.'

Pagka sabi nya nun lumabas na sya ng office ko. Nung maka uwi ako hindi ko din sya kasama. May pinuntahan ata.

Tapos nung nasa parking lot ako, may dalawang lalaki dun sa kotse na katapat nung akin. Nakatingin lang sila sakin.

Pumasok ako sa loob ng kotse ko, laking gulat ko ng tignan ko ulit yung kotse. WALA NA YUNG DALAWANG LALAKI!!!! Wala naman na balitaan na may multo dito sa parking lot.

/End Of Flashback/

Habang nag iimpake ako, pumasok si kuya at si veronica.

'San ka pupunta?' - kuya

'Ah.. may lakad ako kuya. Paki sabi nalang kila mommy.'

'Hindi ka aalis.'

Napatingin ako kay kuya. Walang emosyon ang muka nya. Si veronica nakatingin lang samin.

'Ate veronica, ok lang ba kung lumabas ka muna? Mag uusap lang kami ni kuya.'

'Hindi aalis si veronica dito. Hindi ka din aalis.'

'Hindi ka naman ganto kuya dati ah? Bakit pinipigilan mo na ko ngayon? Bakit ba pinapakielaman mo na ko?'

'Tama naman si kuya mo.' - veronica

'Hindi mo naiintindihan ate veronica, importante tong gagawin ko. Alam mo naman diba?'

'Pero hindi ba sapat sundin mo nalang ang kuya mo?'

'Sandali ate, kinukunsinti mo ba si kuya na wag ako paalisin? 20 anyos na ko at kaya k nang alagaan ang sarili ko. Kaya ko na din mabuhay ng sarili ko.'

'Wag na wag mong pag sasalitaan si veronica ng ganyan!' - kuya

Nagulat ako ng biglang uminit ang kanang pisngi ko. Si kuya! Sinampal ako!! Tinignan ko sya, napalitan ng nag aalalang muka ang bumungad sakin.

'V-venus.. teka.. hindi ko sinasadya.'

Imbis na kausapib ko sya, binuhat ko yung bag ko at lumabas ng kwarto ko. Sumusunod lang sya sakin.

'Venus.. makinig ka naman kay kuya oh. Hindi ko talaga alam at ginawa ko sayo yun. Venus!'

Hindi ko sya pinapansin, binuksan ko yung pinto ng bahay namin, sakto naman na nandun na yung kotse ni Leo. Nakatayo lang sya katabi ang kotse nya.

The Vampire Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon