VENUS POV
Inaayos ko yung mga papers na pipirmahan ni leo ng biglang nag ring yung phone ko. Sinagot ko yung phone ko ng hindi tinitignan kung sino yung tumatawag.
'Hello? Sino to?'
'Hoy babae?!! Nasan ka?? San ka natulog kagabi?? Bigla ka nalang nawala ah!' - jackie
'Ang daming tanong. Unang-una, nasa trabaho ako, pangalawa sa bahay ng boss ko ako natulog at huli, hindi ako biglang nawala. Hindi ko nga alam nangyari nung nakatulog ako bigla eh.'
'Boss mo? Yung gwapo na yun?? Boss mo??'
'Paulit ulit tayo jackie? Oo nga!'
'Pakilala mo naman ako girl sa boss mo. Sabihin mo na lahat ng papuri na pwedeng mong sabihin'
'Walang kapuri puri sayo girl' - biro ko.
'That hurt! Osige na at baka naiistorbo na kita jan. Kita nalang tayo mamaya.'
Nilagay ko na yung phone ko sa bag at kinuha ang mga papel, pumasok ako sa loob ng office ni leo. Nandun sya sa upuan nya at nag ta-type ng kung ano.
'Leo, pirmahan mo na to.' - sabi ko at inabot ko yung mga papel.
'Nasa office tayo ms. Venus, you should call me Sir. Tandaan mo ako ang boss mo.' - sabi nya habang pinipirmahan yung mga papel
Sungit naman nito. Ayaw ko kaya syang tawagin na boss. Hindi bagay. Pagkatapos nya pirmahan, kinuha ko na yung mga papel.
'Sabay na tayo mag lunch. Get your bag.' - utos nya.
Inirapan ko sya, pag gantong masama ang loob ko hindi mo talaga ako makakausap ng maayos. Lumabas ako ng office nya at bumalik sa office ko.
Umupo ako sa upuan at dabog na nilagay sa lamesa yung mga papel.
'ARHHHGGG!!!! KAKAINIS KANG HAYOP KA!!! NAKO KUNG HINDI LANG TALAGA KITA BOSS EH!!!' - Sigaw ko.
Nag lakad ako papunta sa sofa at humiga doon.
'Bahala ka sa buhay mo, kumain ka mag isa mo. Mabulunan ka sana. Mag reresign na talaga ako. Wala na ko paki sa sweldo na yan' - mangingiyak na sabi ko sa sarili ko at natulog.
---------
LEO POV
Pag labas nya ng office ko, agad naman sumulpot tong si Ken sa likod ng upuan ko.
'Oopps! She's mad.'
Hindi ko nalang sya pinansin. Ayoko na makipag usap. Tinapos ko nalang ang dapat tapusin.
'Leo, kung ako sayo. Hanggat hindi pa sya malala. Iwan mo na.'
'Hindi ko kaya.' - maikling sagot ko.
'Makatagal ka kaya sa ugali nun? Eh daig pa si Veronica eh.'
'Wag na wag mong ikukumpara si Venus kay veronica.'
'Ok ok.. aalis na ko. Enjoy ka sa pinili mong aalagaan.'
Pagkasabi nya nun bigla nalang sya nawala. Ganyan naman yang mga yan, pagkatapos ako guluhin mawawala nalang bigla.
Nang matapos ako sa ginagawa ko, tumayo na ko at dumiretso sa office nya.
Pag pasok ko sa loob wala sya. Pinakiramdaman ko yung buong kwarto, nararamdaman ko na nandito sya.
Nag lakad ako papunta sa may sofa at hindi nga ko nag kamali, nandun sya at natutulog.
Umupo ako sa dulo ng upuan at pinag masdan sya. Napansin ko na medyo basa yung mata nya. Umiyak ba sya?
'Bakit ka umiyak?' - bulong ko sa sarili ko habang dahan-dahan kong pinupunasan ang mga mata nya.
Pano kita iiwan? Pano kita kakalimutan? Nung nakita palang kita alam kong ikaw na.
'Venus, I'm sorry' - sabi ko.
Lumabas na ko ng office nya at bumalik sa office ko. Umupo ako sa upuan ko at tumingin malaking bintana na nasa likod ko.
'Leo.'
Lumingon ako sa babaeng nag salita. Sabi na nga ba at pupunta sya dito.
'Veronica.'
'Kamusta ka na?' - tanong nya.
Tumango tango lang ako. Si veronica ay isa sa anak ng makapangyarihang bampira sa angkan namin.
'Leo, kailan ka babalik?'
'Pag natanggap na ko ni venus '
'Venus ba ang pangalan nya? Bakit ba sa mortal ka nag mahal? Leo, nandito ako. Ako nalang. Hindi mo panaman sya ganun ka mahal diba?'
'Hindi pwede Veronica. Alam mong isang beses lang tayo pwedeng mag mahal.'
'Kaya nating baguhin yun.'
'Tama na. Walang papatunguhan ang lahat ng to.'
Huminga sya ng malalim saka tumingin sakin.
'Tandaan mo Leo. Hindi kayo liligaya hangga't nabubuhay ako. Hindi kayo mag kakatuluyan hanggat humihinga ako. Gagawin ko ang lahat para lang mapasakin ka. Tandaan mo yan '
Bigla nalang sya nag laho ng parang bula. Kailangan ko protektahan si venus. Alam ko ang ugali ni veronica, nakukuha nya ang gusto nya ano man ang kapalit nito.
Pumikit ako at isa-isa kong silang tinawag. Maya-maya lang ay kanya-kanya ng sulpot.
'Anong problema?' - Ken
'Naramdaman ko si Veronica kanina.' - N
'Kayo na ang bahala kay Venus pag wala ako sa tabi nya.' - utos ko.
'Wow! Bakit kami?' - hyuk
'Kasi alam ko na hindi ko sya mababantayan '
'Ito na nga ba sinasabi ko eh.' - hongbin
'Alam mo na bawal to leo, iwan mo na kasi sya hanggat maaga pa.' Ravi
'Makakaalis na kayo.' - utos ko
Isa-isa naman silang nawala. Alam ko na mapag kakatiwalaan ko sila. Sila lang naman Ang mga kaibigan ko na kahit ubod ng ingay at kulit, sila parin ang mga kaibigan ko na hinding hindi ko ipagpapalit.
Narinig ko na Bumukas yung pinto. Tumambad sakin ang isang napaka gandang babae.
'Nagugutom ako, magpa deliver ka nalang ayoko lumabas' - sabi nya at umupo sa sofa.
Napangiti ako sa Inasal nya. Para syang batang bagong gising.
'Ano gusto mo?' - tanong ko.
'Kahit ano.. basta makakain.' - sagot nya.
Kinuha ko yung cellphone ko at tumawag. Nag order ako ng dalawang box ng pizza. Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi nya.
'Nakakantok dito.' Sabi nya
Tinitignan ko lang sya. Ano pa ba sasabihin ko sakanya?
'Wag na wag mo ko sasabihan na tawagin kitang boss o kaya sir, pa adjust muna huh? Nakakailang kasi.'
Tumango tango lang ako. Wala naman ako magagawa. Sumilay sa mga labi nya ang ngiting matagal ko ng gusto makita.
/knock knock/
Akmang tatayo na sana ako, kaso naunahan nya ko. Pag bukas nya ng pinto, kinuha nya yung box at nag lakad pabalik. Pumunta naman ako sa pinto para mag bayad.
'Sa susunod wag kang pupunta sa pinto at aabutin yung pagkain kung hindi ikaw ang mag babayad.' - sabi ko.
'Hala? Nag bayad na ko.' - sagot nya.
'Oh? Bakit hindi mo sinabi sakin?' - gulat na tanong ko.
'Hindi joke lang! Tara na kumain kana dito at alam kong gutom ka.'
May saltik din tong babaeng to. Tama nga sila ken, ayoko man ikumpara sya kay veronica pero mas malakas ang toyo nito kesa kay veronica.
Habang tumatagal, mas minamahal pa kita venus. Ano bang meron ka? At pati ang mali ay tama para saakin.
BINABASA MO ANG
The Vampire Boss [COMPLETED]
FantasyHighest ranking: #1 Vixx This story are full of Fictional happening. This is a Fantasy story. All the images in this story are credited to the owners.