Chapter Thirteen: Leonaya

8K 205 3
                                    

VENUS POV

Nagising ako ng dahil sa ingay na nanggagaling sa labas ng bahay namin. Wala si leo sa tabi ko, uupo sana ako ng biglang nakaramdam nanaman ako ng sakit.

Pinilit kong makatayo at sinuot ang panloob ko, kinuha ko yung V neck shirt ni leo at yun ang sinuot ko.

Bumababa ako papunta sa sala, wala si leo. Bigla nalang nag pantig ang tenga ko ng marinig ko ang sigaw mula sa labas ng bahay.

Nasa may beach sila. Tumakbo ako papunta dun. Hindi ko na naalintana ang sakit.

Pag labas ko, nakita ko si leo na hawak-hawak ng dalawang lalaki, habang binubugbog sya ni adam.

'Anong ginagawa nyo kay leo?!!!!!'

Napatingin silang lahat sakin. Sumilay sa labi ni adam ang nakakairitang ngisi.

'Abah! Prinsesa Venus. Ang tagal mo naman magising?'

'Wala kang pake hayop ka! Bitawan mo si leo.'

'Venus, pumasok ka na sa loob. Ako na bahala dito.'

Napatingin ako kay leo. Bugbog na yung muka nya. Kawawa naman.

'Tanga ka! Ikaw bahala eh wala ka nga magawa?'

Tinapat ko ang kamay ko sa may dagat, onti-onting tumataas ang tubig hanggang sa mas mataas na to sa bahay namin.

'Bibitawan mo si leo o ibabagsak ko tong tubig sainyo?' - banta ko

'Hindi ko alam na kaya mong gamitin ang kapangyarihan mo mahal na prinsesa. Mukang natutukan ka ng mahal na reynang elena.'

Napatingin ako sa babaeng nag salita, bigla syang lumabas sa likod ni adam. Si veronica.

'Isa ka pa? Jusme! Mas lalo ko pang tataasan ang tubig na to ng dahil sayong malandi ka!' - sigaw ko

Pano ba naman? Dumiretso kay leo tapos hinimas himas yung muka ng asawa ko! Pakain ko kaya sa pating to?

'Malandi? Hindi ba't ikaw yun?' - veronica

'Hoy babaeng ubod ng.. ahmm.. ah basta! Unang una, hindi ako malandi. Sya ang unang lumapit sakin, pangalawa sya ang nag alok na mag trabaho ako sakanya, pangatlo---'

'Tama na ang ingay mo na. Hindi ko talaga malaman kung bakit ka nagustuhan ni leo.'

'Mas maganda kasi ako sayo.'

Sinamaan nya ko ng tingin, akmang lalapit sya ng bigla ko inusog ang kamay ko pabalik saakin kaya pati yung tubig umuusog papalapit sakanila.

'Umalis na kayo at baka ipakain ko kayo sa pating.'- sabi ko

Tinignan ni adam yung dalawang lalaki na may hawak kay leo, binitiwan nila si leo at agad naman itong bumagsak sa buhangin. Ginalaw ko ang kanang kamay ko at itinapat kay leo, may mga tubig na pumalibot sakanya.

'Hindi ko alam pero sa tuwing makikita kita venus, mas nagiging interisado ako sayo.' - adam

'Kadiri.'- sabi ko

Natawa sya sa sinabi ko. Ano nakakatawa dun? Totoo naman diba?

'Sa susunod na pagkikita natin. Dalawa kayong kukunin ko.'

Bigla nalang silang nag laho. Onti-onti kong binababa ang kamay ko kasabay nun ang tubig na sa dagat. Nang tuluyang maka baba ang tubig agad akong tumakbo kay leo.

'Hoy. Gumising ka.' - sabi ko habang tinatapik ko ang muka nya.

Dinilat nya ang mga mata nya at tumingin sakin.

'Diba sabi ko, wag na wag mong gagamitin yung kapangyarihan mo?'

'Mamatay ka na hindi ko pa gagamitin? Ano dada nalang ako?'

The Vampire Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon