Chapter Eighteen: Mga Munting Prinsesa

8K 211 2
                                    

VENUS POV

Limang buwan na ko nandito sa kweba. Hindi sya yung kweba na alam nyo huh? Medyo convenient sya para sa isang tao. Nandito na to nung pumunta kami ni reyna elena.

Malaki nadin yung tyan ko. Anytime pwede na ko manganak.

Nakaupo ako sa silya at hinihimas ang tyan ko. Madalas sumipa ang anak ko. Akala mo may kalaban sa tyan ko eh.

'Kamusta na kaya ang papa mo no? Miss ko na sya '

Bigla nalamang sya sumipa.

'Miss mo na din si papa? Gusto mo na ba sya makita? Siguro malapit na anak, makikita mo na si papa. Babalik na----'

'Venus.'

Napatigil ako ng marinig ko yung boses na yun, yung boses na matagal ko ng gustong marinig. Tinignan ko sya. Hindi sya nag bago, walang pinag bago.

Sinubukan kong tumayo pero hindi ko magawa dahil sa bigat ng tyan ko. Lumapit sya sakin at tinulungan ako. Hindi ko magawang tumingin sakanya, ayaw lumabas ng boses sa bibig ko at higit sa lahat hindi ko magawang gumalaw.

Naramdaman ko nalang na may mainit na tubig na tumakas sa mga mata ko. Hindi ko mapagilan na lumuha.

'Humarap ka sakin.' - utos nya.

'Hindi ko kaya.'

'Please.. venus.. look at me.'

Lakas loob akong humarap sa kanya. Bigla nalang nya akong hinalikan.

'I missed you so bad venus.'

'I missed you too leo, I'm sorry.'

Nakarinig ako ng malakas na kulog kasabay nun ang pagising ko sa pagkaka tulog. Umupo ako at pinunasan ang mga luha ko.

'Kahit pala sa pag tulog ko, papa mo parin ang nandun.'

Huminga ako ng malalim.

'Dapat na tayong bumalik sa palasyo anak.'

Pumikit ako. Hinahanap ko si ravi pero wala sya. Kaya dumiretso na ko kay leo.

'Sino ka?'

'Leo.'

'Venus?'

'Oo ako nga.'

'Nasan ka? Nasan ka venus?? Pupuntahan kita!'

'Nandito ako sa kweba.'

'Sige, hintayin mo ko.'

Huminga ako ng malalim. Tama ba yun? Bigla nalang may lumitaw sa harap ko. Dalawang paa. Onti-onti akong tumingin sakanya pataas.
Hindi ko inaasahan ang makikita ko.

'Pano mo nalaman na nandito ako?'

Itinaas nya ang kamay at inilagay sa mata ko, hindi ko magawang makapalag ng dahil sa kalagayan ko. Hindi namalayan na nakatulog ako.

---------

LEO POV

Sa wakas! Makikita ko na sya!! Nag madali akong lumabas ng palasyo at nakita ko si veronica.

'Leo.'

'Wala akong panahon sayo veronica.'

'May sasabihin ako sayo.'

'Mamaya nalang pwede?'

Aalis na sana ako ng biglang nalamang syang nagsalita.

'Hawak na ni adam ngayon si venus.'

Lumapit ako sakanya at hinawakan sya sa braso.

'Anong sinabi mo?'

'Nung nag uusap kayo ni venus kanina. Hindi nya namalayan na pati si adam naramdaman ang presensya nya '

The Vampire Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon