Chapter Sixteen: Paglaho

7.2K 188 3
                                    

VENUS POV

Lumipas na ang tatlong buwan ng pananatili ko dito. Maayos naman ang trato sakin dito. Hindi ako pinapabayaan, si leo madalas wala kasi nakikipag pulong sya kasama ang ama nya o kaya naman bumabalik sya sa mundo ng mga tao para tulungan si N sa negosyo.

Nakaka boring dito. Malaki na din kasi yung tyan ko. Pangatlong buwan ko na kasi ng pag bubuntis. Nagulat nga si reyna elena bakit daw ang laki ng tyan ko para sa tatlong buwan.

Hindi ako pinapayagang lumabas ng kwarto, may mga gwardya sa labas. May mahika rin ang buong kwarto para hindi ako makalabas at walang makapasok maliban kay leo at sa magulang nya.

Napaharap ako sa pinto ng biglang bumukas yun. Si leo.

'Venus.' - tawag nya.

Hindi ko sya pinansin. Ewan ko ba, ayoko talaga kumakausap ng kahit sino ngayon. Nag simula to nung ikulong nila ako dito sa kwarto. Pag si reyna elena o haring trevor ang pumapasok hindi ko din sila kinakausap ng matagal.

Lumapit sakin si leo at niyakap ako mula sa likod.

'May problema ba?' - tanong ko.

'Pag yumakap ba ko sayo, may problema agad?'

'Leo, ilabas mo naman ako dito. Ayoko na dito.'

'Venus, alam mo naman na bawal diba?'

Kinalas ko yung kamay nya na nakapulupot sa bewang ko at hinarap sya.

'Mag iintay ako ng syam na buwan dito leo? Mauuna pa atang lalabas tong nasa tyan ko sa sobrang depresyon sa pag kulong nyo sakin dito.'

'Pinoprotektahan ka lang namin at ang nasa sinapupunan mo.'

'Kaya ko ang sarili ko leo, hindi ako kayang galawin ni adam at nang kahit sino man.'

'Pano ka nakaka sigurado sa sinasabi mo? Pano pag may nangyari sayo at wala ako? Pano pag nakuha ka ni adam ng wala ako sa tabi mo. Anong gagawin mo??!!' - pag taas ng boses nya.

Labis kong kinagulat yung ginawa nya, hindi ako napag taasan ng boses ni leo noon kahit pa nung unang buwan ng pag bubuntis ko at nag away kami. Pero ngayon..

'Lumabas ka na leo.'

'Venus.. hindi ko sinasadya na pag taasan ka ng boses.'

'Lumabas ka na.'

'Venus..'

'LABAS!!!'

Pumutok yung mga salamin sa paligid ko nung sumigaw ako. Hindi ko na naalintana yung ibang salamin na sumugat sa braso ko. Hahawakan pa sana ako ni leo ng iniwas ko yung braso ko.

'Lumabas ka na leo. Pakiusap.'

'Pero...'

'Lalabas ka o gagawa ako ng paraan para ako ang maka labas dito.'

Bumuntong ng hininga si leo at tumalikod. Nag lakad na sya palabas ng kwarto. Umupo ako sa kama namin ni leo at isa-isang tinanggal yung bubog sa braso ko.

'Pasensya ka na anak huh? Pasensya na kayo sa inasta ng nanay nyo. Hindi ko lang talaga matiis na mag kulong dito.'

Tinignan ko yung mga sugat ko at unti-unti itong nag hilom. Napa buntong hininga nalang ako.

May kumatok sa pinto. Pinikit ko ang mata ko at lahat ng gamit na nasa kwarto ay humarang sa pinto. Patong patong yun. Tumayo ako at humarap sa bintana.

'Mommy.. daddy miss ko na kayo.'

Maya-maya, biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko. Yung mga gwardya wala na. Pati ang mahika na naka palibot sa kwarto ko nawala na. Pero sino ang gagawa nun? Hinawi ko lahat ng gamit na naka harang sa pinto at lumabas ako.

The Vampire Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon