VENUS POV
Unti-unti akong gumising ng maramdaman ko ang sinag ng araw sa muka ko. Umupo ako at sumandal sa head board. Napahawak ako sa ulo ko. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Dinilat ko ang mata ko, sinuri ko ang lugar at isa lang ang alam ko.
HINDI KO KWARTO TO!!!!
ang naalala ko lang may lalaki na muntik na ko manyakin tapos may lalaki na nag ligtas sakin. Tinignan ko yung sarili ko, suot ko pa naman lahat maliban sa jacket ko.
'Gising ka na pala.'
Napaharap ako sa lalaking nasa pinto. Sya nga!
'Ahmmm.. bakit ako nandito?' - tanong ko.
'Nakatulog ka kagabi.. hindi ko alam bahay mo kaya dinala kita dito.' - sagot nya.
Lumapit sya sakin at umupo sa gilid ng kama, inabot nya sakin ang isang tasa ng mainit na kape. Agad ko naman kinuha yun.
'Salamat.'
Hinigop ko yung kape, ang sarap. Hindi matapang, hindi matamis at hindi din matabang! In short? Perfect!
'Ay sya nga pala. Gusto ko sana humingi ng sorry kung naabala pa kita. Hindi ko naman alam na malalasing ako.' - sabi ko.
'Wala yun.' - matipid na sagot nya.
'Ay teka, ano pangalan mo? Ako nga pala si Venus. Venus Athens'
Tumahimik sya, tumingin sya sa bintana sabay tumingin ulit sakin.
'Hindi mo na ko natatandaan?' - tanong nya.
Umiling lang ako, hindi ko pa naman kasi sya nakikita.
'Enough' - sabi nya
Ay teka!!! Pamilyar sakin yun ah!!! Hindi pwede!!! Bakit sya??
'L-leo?' - tanong ko.
Tumango tango sya. Such a small cruel world!! Bakit sya pa???
'I know that you're mad about yesterday. I want to say sorry about it.' - sabi nya.
'Ok na. Napatawad na kita since tinulungan mo naman ako kagabi.' - sabi ko
Kailan magpatawad! Baka hindi na ko pagpalain pag nag tanim ako ng sama ng loob sa gwapong katulad nya.
'Tumayo ka na jan, nag luto ako. Mag breakfast ka na.'
Pagkasabi nya nun lumabas na sya ng kwarto. Nilapag ko yung hawak kong tasa sa side table. Kinuha ko yung jacket ko sabay sinuot yun.
Tumingin ako sa salamin. Ok lang pala itsura ko. Tama talaga desisyon ko na burahin yung make up ko sa bar.
Lumabas na ko ng kwarto at pumunta sa dinning area nya. Umupo ako sa upuan. Pinanunuod ko lang sya maghanda ng pagkain.
'Kumain ka na.' - sabi nya
Sinimulan ko na kumain ganun din naman sya.
'Venus'
'Hmm?'
'Work for me as my Secretary.'
Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ko inaasahan yung alok nya.
'Uh?'
'Work for me.' - ulit nya
'Ayoko, mababa ang sweldo.' - dahilan ko.
'I'll make it twice.'
Ano?? Seryoso ba sya?? 40,000 na ang sweldo ng Secretary sakanya. Tapos? 80,000 ipapasweldo nya? Mayaman siguro talaga sya.
'Hmmm.. sige. Kailan ako mag sisimula?'
BINABASA MO ANG
The Vampire Boss [COMPLETED]
FantasyHighest ranking: #1 Vixx This story are full of Fictional happening. This is a Fantasy story. All the images in this story are credited to the owners.