VENUS POV
Nandito na kami sa kwarto namin este ni leo. Nakaupo ako sa kama, nasa tabi ko sya.
'Venus.'
'Hmm?'
'Totoo lahat ng narinig mo. Na bampira ako. Yung babae nakita mo kanina, sya ang ina ko. Reyna sya ng kaharian namin.'
'Dapat talaga kakalimutan ko na lahat leo eh, kaso.. ang ganda talaga ng mama mo. Tapos bampira? Ilang taon na mama mo?'
'Mahigit isang libong taon.'
Nalaglag yung panga ko sa sinabi nya. One thousand?? Yung totoo?
'Eh ikaw?' - tanong ko.
'Limang daang taon.' Tugon nya.
Alam mo yung feeling na halos maabot na ng lapag yung panga ko? Grabe!!!! Halos kasabay na sya ng ninuno ko ah?
'Bakit hindi ka tumatanda? Mas muka ka pang bata sakin? Tapos hindi ka nasusunog sa umaga? Diba dapat masusunog ka?'
'Hindi kami yung mga nababasa mo sa libro. Iba ang tulad namin. Nabubuhay kami na katulad ng mga tao. Kaya hindi mo alam kung ilan sa nakakasalubong mo tulad namin.'
'Astig pala no?'
Umiling sya.
'Hindi madaling maging katulad namin. Maraming kailangan isakripisyo.'
'Anong sacripisyo?'
'Kailangan mo maging katulad ko bago pa malaman ng nila adam na isa kang mortal.'
'Huh? Sino naman si adam ?'
'Si adam ang hari ng kalaban naming kaharian.'
'Wow. World war.'
'Seryoso to venus. Pag hindi ka naging katulad ko at nalaman nila ang lahat ng pagkatao mo, pwede ka nilang saktan, hindi lang ikaw. Pati narin ang magulang mo at iba pang malapit sayo.'
Napaisip ako sa sinabi nya. Bakit kailangan pa ganun ang mangyari, hindi ba pwedeng mag kakaibigan nalang? Sabagay, dito nga sa sarili nating mundo may nag aaway parin para lang sa kapangyarihan.
'Pano pag pumayag ako sa gusto mo, ano ang mawawala at makukuha ko?'
'Mabubuhay ka kasama ko, mabubuhay ka ng pang habang buhay. Ang mawawala sayo, hindi mo na pwedeng kausapin o kitain ang pamilya mo. Hindi muna sila pwedeng bisitahin.'
Magulang ko na ang pinag uusapan dito. Pero kung hindi ko naman gagawin to, mapapahamak sila.
'Bibigyan kita ng panahon para mag isip. Maiwan na kita.'
Pag ka sabi nya nun. Lumabas na din sya ng kwarto. Kinuha ko yung phone ko at dinayal ang number ni mama.
'Hello? Venus? Anak? Nasan ka? Miss na miss ka na namin.'
'Hi mommy. Ahmm mommy, nandito pa po ako sa trabaho. Nakalimutan ko sabihin sainyo nung umuwi ako.'
'Trabaho? Anak! Totoo ba na may asawa ka na ng hindi namin nalalaman?'
'Ahmmm.. opo mommy. Yun na nga po sasabihin ko sainyo. Aalis na po ako ng bansa. Titira na po kami sa malayo.'
'Anak, si daddy to. Kailan ka pa nagpakasal ng hindi namin alam?'
'Daddy....'
'Umuwi ka dito. Ipakilala mo yang lalaking yan sakin, pag nagustuhan ko sya papayagan kitang sumama sakanya. Pag hindi, hindi kita ibibigay sakanya.'
'Opo daddy.'
Pinatay ko na ang linya at nilagay ang cellphone ko sa side table. Humiga na ko.
Tama ba tong desisyon ko? Tama ba ipagpalit ko lahat??
-----------
LEO POV
nandito ako sa kabilang kwarto. Napapaisip ako kung tama ba to? Dapat pala sa simula palang hindi ko na ginawa. Pati tuloy sya nahihirapan. Nasa huli talaga ang pag sisisi
/knock knock/
Napa upo ako ng marinig ko ang katok na yun.
'Leo?' - venus
Agad akong tumayo at binuksan yung pinto. Nandun sya nakatayo habang may hawak na unan.
'Bakit?'
'Kasi ano leo... naalala mo yung nangyari kanina, diba may dumukot sakin. Tapos nakakatakot sila leo.. alam mo yung feeling na akala ko mamatay na ko?'
'Makikitulog ka ba?'
'Ah.. eh.. oo..'
Binuksan ko yung pinto at agad naman syang pumasok. Pagkasarado ko ng pinto. Nakatayo lang sya sa may tabi ng kama.
'Hihiga ka ba o hindi?' -tanong ko
Agad naman syang humiga. Kinuha ko yung unan ko. Pupunta sana ako sa may sofa ng hawakan nya yung kamay ko.
'Tabihan mo ko.' Sambit nya.
Tumingin ako sakanya. Naka tingin lang sya sa mga kamay nya na nakahawak sa kamay ko.
'Bampira ako. Alam mo naman ang pwedeng mangyari pag tinabihan kita diba?'
'Alam ko. Pero may tiwala ako sayo. Sa tagal natin magkasama, hindi mo pa nagawang pag tangkaan ang buhay ko. Narinig ko din kanina na ayaw mo ko kagatin kasi.. ay basta.. tara tabihan mo na ko.'
Umusog sya para bigyan ako ng lugar, humiga ako dun. Nagulat ako ng bigla nyang nilagay sa taas ng dibdib ko ang ulo nya.
'Leo?'
'Bakit?'
'Hindi ka ba kinakabahan?'
'Kinabahan saan?'
'Sa lahat.'
'Hindi naman.. ikaw?'
'Kinakabahan.'
'Wag kang matakot, hindi ko hahayaan na may mangyari na masama sayo.'
'Leo, uwi muna tayo bukas. Punta tayo sa bahay. Ipapakilala na kita kila mama.'
Tumango lang ako. Alam ko na gusto nya makita ang magulang nya. Ang tagal narin nya kasi hindi nakikita magulang nya. Nung umalis kami sa bahay nila nag away pa sila ng kapatid nya.
'Leo, pagka dating natin sa bahay. Sasabihin ko na sakanila na mag asawa na tayo.'
Pinakikinggan ko lang sya. Ang saya pala sa pakiramdam na kasama mo ang mahal mo, tapos nakahiga kayo na para bang mag asawa na kayo.
'Tapos leo.. pagkatapos natin pumunta sa bahay at pag balik natin dito. Papayag na ko sa gusto mo.'
Napa upo ako sa sinabi nya. Tinignan ko lang sya na nakahiga parin. Nakatingin lang sya sa kamay nya na ngayon ay nasa harap lang ng muka nya.
'Seryoso ka ba?'
Umupo sya at hinawakan ang ulo ko, lumapit sya at dinampian ng halik ang labi ko. Tinignan nya ko at tumungo.
'Sinabi ko na ang pwedeng mangyari venus. Hindi ka na pwedeng umatras.'
'Alam ko.'
Niyakap ko sya ng mahigpit. Sa wakas! Magiging akin ka na ng tuluyan venus. Tinignan ko sya bakas sa muka nya ang pag aalala. Dinampian ko ng halik ang noo nya.
'Wag kang mag alala. Aalagaan kita. Pangako yan.'
BINABASA MO ANG
The Vampire Boss [COMPLETED]
FantasyHighest ranking: #1 Vixx This story are full of Fictional happening. This is a Fantasy story. All the images in this story are credited to the owners.