Chapter Fourteen: Magtiwala

7.8K 187 3
                                    

VENUS POV

Nandito kami ngayon sa kaharian nila Leo. Hindi naman nakakatakot, pero ang mas nakakatakot! YUNG TATAY NI LEO!!!!! Alam nya, isa akong bampira, pero hindi nya alam na isa akong tao noon.

Nasa tapat ko si leo, naka upo sya sa kama. Bugbog parin ang katawan nya.

Maya-maya, biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Bumungad samin si reyna elena. Agad syang tumakbo kay leo.

'Leo, anong nangyari?' - nag aalalang sabi ni reyna elena.

'Sumugod po kasi si adam sa bahay. Hindi po namin alam kung bakit.' - sagot ko.

Tinignan ako ni reyna elena, lumapit sya sakin at hinawakan ako sa balikat ko, sinusuri nya yung katawan ko.

'Wala ka bang galos huh? Ayos ka lang ba?'

Tumango tango ako.

'Mabuti naman'

'Kailan ka ba mag babago leo?'

Napalingon kami sa nag salita. Isang gwapo at matipunong lalaki ang nasa tapat ng pintuan ng kwarto.

'Mahal.' - reyna elena.

Nag lakad sya palapit kay reyna elena at leo. Itinaas nya yung kamay nya na akmang sasampalin si leo. Itinaas ko ang kamay ko, saktong may tubig sa may gilid ng kwarto ni leo, may mini fountain kasi dun. Lahat ng tubig doon humarang kay leo. Nagulat ang papa ni leo at tumingin sakin.

'Anong ginagawa mo?' - tanong nya.

'Kayo po? Anong gagawin nyo sa asawa ko?'

Natawa sya sa sinabi ko. Binababa nya yung kamay nya at lumapit saakin.

'Ikaw pala si venus?'

'Opo.'

'Matapang kang babae ka, at hindi ko alam na gagamitan mo ko ng kapangyarihan mo. Alam mo ba kung ano pwedeng mangyari sayo ng dahil sa ginawa mo?'

'Papatayin nyo po ako? Ikukulong? Papahirapan? Ayos lang po. Wag na wag nyo lang sasaktan si leo.'

Mas lalo pa syang natawa. Si reyna elena naman nangingiti habang nakatingin saamin.

'Hindi ba't matapang sya mahal? Sinabi ko sayo, hindi nagkamali si leo sa pag pili sakanya.' - reyna elena.

'Oo nga mahal, handa pa sya mag sakripisyo para lang kay leo.' - haring trevor.

'Venus, ibalik mo na yung tubig.' - utos ni reyna elena.

Ibinalik ko ang tubig kung saan sya nararapat. Nakita ko si leo na natutulog na. Siguro naka tulog sya sa kakaintay kung kailan ko ibabak yung tubig. My poor baby.

'Lilinawin ko lang, hindi ko sasaktan si leo, tinaas ko ang kamay para gamutin si leo. Meron akong kakayahang mag pagaling.' - trevor

'E bakit parang sasampalin nyo na po sya.'

'Hindi ba pwedeng magkunwari na sasampalin ko sya?'

Napa nganga ako sa sinabi nya! Bakit ang kwento sakin ni hyuk, nakakatakot si daw yung tatay ni leo? Eh bakit ngayon?..

'Masyado ka namang nag aalala kay leo, hindi mamatay yan ng dahil sa bugbog. Tsaka masanay ka na, lagi nyang ginagawa yun ng dahil sa kapangyarihan nya.'

'Pasensya na po sa inasta ko.'

'Nako iha, wala yun. Natutuwa pa nga ako kasi nalaman ko na mahal mo ang anak ko.'

Lumapit si reyna elena sakin, niyakap nya ako at iniharap sakanya.

'Maligayang pag dating sa ating kaharian, mahal na prinsesa.'

The Vampire Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon