VENUS POV
Mga hayop sila!!! Ikukulong nila ako para hindi ko makita ang pinag gagawa nila? Hindi na ko babalik sa lugar na yon!!!
Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay ng mga magulang ko. Kahit nasa tapat lang ako, nakikita ko sila mula sa loob.
Wala naman pinag bago, si mommy at daddy nag uusap kasama si kuya. Masaya sila. Hindi ko aakalain na iniwan ko ang simpleng buhay ko para sa mga bagay na nangyayari saakin ngayon.
Napahawak ako mala pakwan na tyan ko. Hinimas himas ko yun at napabuntong hininga.
'Sa tingin mo ba anak, tama yung desisyon ko? Pag dating ng panahon at hiniling mo sakin na gusto mo ng gantong buhay.. hindi kita pipigilan.'
Tumalikod na ako at umalis. Dahil pag nag tagal pa ko dun, baka makalimutan ko nalang na iba na ko sakanila.
Nag lalakad ako ng bigla nalang maagaw ng pansin ko ang pamilyar na muka. Nagka titigan kami at hindi ako nag kakamali.
'Venus?' - jackie
Ngumiti lang ako sakanya at tumango. Lumapit sya saakin at hinawakan ang kamay ko. Kita sa muka nya ang labis na tuwa.
'Taragis kang babae ka!! Alam mo bang nag alala kami sayo nung malaman namin na umalis ka sa bahay nyo at sumama sa asawa mo na ubod ng gwapo?'
'Wag ka nga manigaw. Ang sakit sa tenga.'
'Abah.. nag buntis ka lang naging sensitive kana.'
'Aka kasi paglabas ng anak ko, bingi na sya.'
Dinala nya ko sa condo unit nya. Habang nag lalakad kami kami, alam ko na may mga mata na nakatingin saamin.
Nakaupo ako sa sofa nya at sya naman ay nag hahanda ng makakain. Nilibot ko ang mata ko sa loob ng bahay. Wala naman pinag bago.
Dumating sya at nilagay ang pagkain sa coffee table nya.
'Ano? Balitaan mo naman ako ' - sta sabay upo sa tabi ko.
'Huh? Tungkol saan?'
'Sa asawa mo, kailan ka pa nakabalik dito.'
'Ah sa ama ng anak ko? Ayos lang. Masyado lang sya abala sa trabaho.' - pag sisinungaling ko
'Grabe girl, ang swerte mo at nakapangasawa ka ng mayaman na lalaki. Wala na problema si baby sa future nya.'
Nangiti lang ako sa sinabi nya. Kung alam lang nya ang pinag dadaanan ko.
'Venus, alam mo ba na nag aalala ang mga magulang mo sayo? Kahit kami tinatanong. Wala naman kami masabi since the day you leave the bar with your husband.'
'Hayaan na natin sila jackie, ayoko na malaman nila na nandito ako sainyo huh.'
'Oo naman. Ikaw pa.'
'Salamat. Isa pa'
'Ano?'
'Pwede ba ko magpalipas ng gabi dito? Malamang kasi na wala sa bahay yung asawa ko. Ayoko naman mag isa.'
'Ay mas maganda nga girl. Wala naman ako kasama dito.'
Sinamahan nya ko sa kwarto na tutulugan ko. Iniwan din nya ko ng maipaliwanag nya sakin lahat ng kailangan ko. Umupo ako sa kama at dahan-dahan na humiga.
Bigla ako nakaramdam ng hindi maganda. Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Nakita ko si jackie na nanunuod ng tv.
'Jackie!'
'Oh?'
'Umakyat ka dito sa kwarto! Ngayon na!!.'
Tumayo si jackie at umakyat. Ng makarating sya sa kwarto agad ko din tong sinarado.
BINABASA MO ANG
The Vampire Boss [COMPLETED]
FantasyHighest ranking: #1 Vixx This story are full of Fictional happening. This is a Fantasy story. All the images in this story are credited to the owners.