Chapter 4

22 0 0
                                    

PAGKARINIG niya ng pangalan ng binata na binanggit sa video na nakaplay sa cellphone ni Light ay una niyang naisip ang mga empleyadong nagkukompulan kanina na hula niya ay siyang kumuha ng video o baka nasundan ng paparazzi ang binata. Hindi din naman iyon impossible dahil isa ito sa sikat na celebrity sa bansa at isa pa kilala ang pamilya nito.

“Celebrity report ngayong araw.” Narinig niyang sabi mula sa cellphone ng kapatid.

“Magandang araw sa lahat ng manunuod. Isa na namang bagong chika ang aming ibabahagi sa inyo ngayong araw. Siguradong maraming matutuwa ngunit sigurado ring madaming madidismayang kababaehan. Hindi naman iyon maiiwasan lalo pa’t napaka gwapo at napaka sikat ng ating panauhin ngayong araw.”

Alam na alam niya kung sino ang pinupunto ng TV show na iyon.

Kinakabahan siya sa magiging reaction ng ina. Seryoso ang mga itong nanunuod habang ang kapatid ay inasar siya sa pamamagitan ng pagtaas-baba ng dalawang kilay.

“Ang video na ito ay kuha sa mismong parking lot ng building ng isang publishing company na pag-aari ni Candle Shield Harrison. Makikita ang biglaang paghalik sa dalaga ng sikat na actor na si Zues Howard. Na tila isang asawang nagpapaalam sa misis bago umalis.

Ang video ay uploaded ng isang empleyado ng kompanya na agad namang umani ng maraming views, likes, and comments mula sa mga netizens. Lalo na ang mga tagahanga ng binata. Maraming nadismaya dahil nga raw naunahan pa sila. Ngunit sa kabila ng lahat ay suportado ng lahat ang decision ng actor kung sakali mang ito ay seryosohan na. Sapagkat, may tanong ang mga netizens, kung may relasyon ba ang dalawa o Seryoso na ba?

Subalit ano ang masasabi ng leading lady ng actor. Dahil may rumors na kumakalat ngayon na may gusto ito sa binatang actor? Sa ngayon ay wala pang sagot ang panig ni Mia Imperial.

Ngunit narito naman ang sagot ni Zues sa tanong ng netizens matapos namin siyang makapanayam matapos mabigyan ng pagkakataong magtanong habang nasa gitna ito ng pag-po-promote ng last episode ng kanyang movie series.”

Hindi siya umimik kahit pa nananabik siyang maki-usisa sa pinapanood ng dalawa.

“Tungkol ito sa kumakalat na video ninyo ng dalagang CEO. Kaya nagtatanong ang mga netizens kung seryosohan na ba ito ngayon?” Tanong ng babaeng reporter.

She heard him chuckled. “That was just an hour ago but well, I shouldn’t be glad about it. Anyway, I will be lying if I would deny the video. So yeah, it was true. It was true that I kiss her and I hope she’s not mad about it since I just escape before she could hit me from kissing her.” She heard the crowd chuckle. “And about being serious. Well, if I would be given a chance. I’d say won’t waste it.” Makahulugang saad nito na umani ng ingay sa mga tao.

Hindi niya alam kung papaniwalaan niya ba ang sinabi ng binata o baka isa lang iyon sa utos ng manager nito. Dahil ganoon naman talaga sa showbiz halos lahat ng sasabihin mo scripted.  Marami siyang naiisip na posibling maging dahilan. After all, his an actor.

“Malinaw sa sinabi ng aktor na wala pang relasyon ang dalawa. Possible kayang magkaroon nga? Please comment down your answers and we will read that sa susunod na chika. Hanggang sa susunod na chikahan magandang araw mga ka-chika.”

After that her mother just put down the phone and didn’t say anything. Gusto niyang magtago sa sobrang kaba dahil baka ano ang magiging reaksyon ng ina. Gusto naman niyang mainis sa kakambal, na ngayo'y malawak ang ngisi habang kumakain. Lalo na ng nagsimula na silang kumain ay hindi pa rin nagsasalita ang dalawang matanda.

“My?” Tawag pansin niya sa tahimik niyang ina. Kahit kinakabahan ay kailangan niyang itama kung ano mang iniisip ng ina.

Ngunit tumingin lamang ito sa kanya habang may ngiti sa mga labi. “Walang masama kung makikipagrelasyon kana anak. Ang sa akin lang ay sana hindi ka masaktan ng todo dahil kung masasaktan kayong mga anak ko triple ang sakit na mararamdaman ko. Pero kapag nagmamahal ka hindi ibig-sabihin niyon ay puro saya lang. Masasaktan at masasaktan talaga tayo kaya kailangan n’yong maging handa bago kayo sasabak sa pakikipag-relasyon. Mahal na mahal ko kayo wag niyong kakalimutan yan. Darating ang araw na iiwan niyo na rin ako at mag-kakaroon na kayo ng sari-sariling pamilya. Pero ‘wag niyong kakalimutan na nandito lang palagi si Mommy love na love ko kayo huh.” Madamdaming saad nito habang nanluluha ang mga mata.

JEALOUS MEN SERIES 1: Zues Mattheos Howard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon