PAGKATAPOS nilang kumain ay bumalik sila sa golf cart dala ang take out niya na balak niyang ipahatid sa sinabi ng binatang pwedeng maghatid noon sa kanilang bahay. As in sa bahay ng Mommy niya.
Saka may dala pa siyang take out para kakainin nila mamaya. Lulan na sila ng sinasakyan ng may tumawag sa cellphone ng binata. Nakikinig lamang siya sa usapan ng mga ito dahil naka-loud speaker naman iyon habang mahinang tumatakbo ang golf cart na minamaneho nito.
“Who was that?” Tanong niya rito pagkatapos ng tawag.
“It’s my friend baby, he is inviting us for a dinner tonight in his house. Magluluto daw siya ng barbeque.” Sabi nito.
Agad namang nagbell ang kanyang tenga sa narinig. “Oh, really? I want to eat barbeque. Can we go?”
Amusement played on his face. “Of course if you want. My friend doesn’t take no for an answer anyway.”
“Oh, I’m excited.” Namimilog ang matang saad niya. Halos makita na niya sa isipan ang nilulutong barbeque, gusto tuloy tumulo ng laway niya. Napahagikgik siya.
“You love food that much?” Sabi ulit nito habang ang mga mata ay nasa daan.
“Yep, very much.”
“But in three months that we eat a lot everyday ni hindi man lang napunan ang timbang mo.”
“Ikaw nga rin eh.”
“Nakakagana ka kasing nakikitang kumain saka nag-ge-gym ako palagi so I’m still hot and gorgeous until now. “ Nakangising sabi nito.
Hindi niya naman mapigilang mapangiti. “Yabang.”
Tumawa lang ito. “Anyway, did you enjoy our date baby?”
Agad siyang tumango. “Yup, super busog na busog ako.”
His smile widen. “Good.”
Natahimik sila pagkatapos niyon kaya nag-isip siya ng maging pwedeng topic. “Since you named me as Maleficent, how did you know her? Do you watch that movie? Akala ko avengers lang?”
“My mother, she loves watching Disney movies. Kapag nanunood siya gusto niya ng may kasama kaya nanunood rin ako. Noon yun pero ngayon dahil medyo busy kami ni dad, nandidisturbo siya ng mga katulong sa bahay.” Napatawa ito sa sinabi.
“You love your mom that much huh?” Napansin niya kasing masaya ito habang sinasabi ang hilig ng ina.
Nakangiting tumango naman ito. “So much, makulit talaga si Mommy lalo na sa usaping apo. Madalas niya akong kulitin tungkol doon pero hindi pa ako handa kaya nagtampo na naman.”
“Aren’t you planning to have your own family someday?”
“I have, pero sa usaping pamilya parang hindi pa ako handa para doon ni wala pa akong ka alam-alam sa kung anong dapat kung gawin.” Sabi nito.
She stared at him for a second. Sa hindi malamang kadahilanan ay hindi niya nagustuhan ang pagpapakatotoo nito. Nag-init tuloy bigla ang ulo niya. “So in short you are afraid of responsibility. Well, sino ba namang hindi kung ini-enjoy mo pa anv kasikatan mo tapos biglang boom! Magkakaroon ka ng responsibility. Paano na yung mga babae mo diba?” Hindi niya alam kung saan nanggaling iyon basta bigla na lang iyong lumabas sa bibig niya.
Damn, she sounded like a mad woman. Pero hindi na niya pwedeng bawiin ang sinabi niya.
Nagtatakang tumingin ito sa kanya. “Are you mad?”
“Hindi. Ganyan naman talaga kayong mga lalaki eh, takot sa responsibility syempre paano pa kayo makakapambabae diba?” Tila naiinis niya saad. Kailangan niyang panindigan ang unang sinabi. Kahit hindi niya rin alam kung bakit nakaramdam siya ng inis sa sinabi ng binata.
BINABASA MO ANG
JEALOUS MEN SERIES 1: Zues Mattheos Howard
RomanceJEALOUS MEN SERIES 1: Zues Mattheos Howard WARNING: R-18 Kilala si Candle Shield bilang estriktong boss ng isang book publishing company at mahusay sa larangan ng negosyo. Minsan lang siya kung makipag-usap sa kanyang mga empleyado lalo na kung hind...