Chapter 5

23 0 0
                                    

“PERSONAL.” Humphrey answered after a few seconds.

Natahimik siya ng ilang segundo bago siya nagsalita ulit. “Okay, I won’t interfere in your personal matter as long as you can assure me that you will take care of my friend. But still, it’s not my decision to make. It’s should be from Kareen.” Aniya at ibinaling ang tingin sa kaibigan. Napatingin naman ito kay Kareen na noo’y nakayuko lang.

Maya-maya ay nag-angat ito ng tingin. Siya namang pagdating ng kanilang pagkain, at pagkaalis ng waiter ay agad niyang tinanong ang kaibigan sa decision nito. Then seconds later, she nodded.

Bumuntong hininga siya bago ngumiti. “Then it’s decided.”

Napapansin niya sa tinginan ng dalawa habang kumakain sila, iyon bang tinginan ng pangungulila sa isa’t-isa, then maybe give them a chance to be together. Napangiti na siya. Kitang-kita niya sa mata ng kaibigan na sabik itong makasama si Humphrey kaya sino siya para tumutol. Pero hindi lang iyon ang tinging nakikita niya sa mata ni Kareen.

Nang magulat ito kanina sa presensya ni Humphrey, nakita niya sa mga mata ni Kareen na hindi ito nagulat dahil sa unang kita sa binata pagkatapos ng ilang taon, kundi dahil nagulat ito kung bakit naroon si Humphrey. Something’s fishy. Gusto niya tuloy mapairap.

Humphrey just smiled a little but he is clearly happy by her decision. “I won’t promise but I’ll prove it.” Pagkatapos ay nilagyan nito ng pagkain si Kareen. Nakikita niya ngayon ang taong mag-aalaga sa kaibigan niya. Humphrey makes Kareen happy.

Then I will be happy for the both of them.

Napalingon siya sa katabi ng sinainan rin nito ng pagkain ang plato niya. “There, baka kasi nainggit ka rin.”

Natawa siya. “Himala at tahimik ka lang kanina?”

“Nah, my opinion won’t matter anyway. I don’t know a single thing about this two.” He chuckled.

“How come that you don’t know about this two? They’re already in relationship in college.” Nagtatakang tanong niya sa mahinang boses.

“I studied abroad.” He simply answered. “But, he told us that he has a girlfriend. I didn’t know that it was Kareen.”

Matapos silang kumain ay nag-paalam muna siya para magbanyo. Kakalabas palang niya sa cubicle ng pumasok si Kareen saka tahimik siyang tinabihan.

“Got to tell something?”

Nakangiwing tumango ito. “I’m sorry.”

She glance at her friend through the mirror. “And, why is that.”

“Kunwari ka pa, alam ko na may alam ka na o nagdududa ka ngayon. Masyado kang matalino at alam ko na mahirap magtago ng sekreto sayo.”

Inabot niya ang tissue at pinunasan ang kamay. “So you really intended to keep it a secret?” Oo nga pala, nakalimutan niyang nag-usap sila ng kaibigan tungkol sa pagbalik ni Humphrey sa buhay nito ang kinaiins niya ay hindi nito sinabing nakatira ang lalaki sa bahay nito. It was just her instinct but Kareen already confirmed it.

“Hindi naman sa ganoon, may plano naman talaga akong sabihin ‘yon sayo kaya lang nawawaglit sa isipan ko. Sorry po galit ka po?” She look at her pouting.

She glared at her friend. “So kung hindi pumunta dito si Humphrey, makakalimutan mo nang sabihin sa akin na matagal na kayong magkasama ulit, na alam na niya ang tungkol kay Coco? Ganoon?”

Naglalambing na yumakap ito sa kanya. “Hindi naman sa ganoon bespren, saka one week palang hindi naman ganoon na talaga katagal.”

“So, hihintayin mo pang umabot ng buwan? Ng isang taon?”

JEALOUS MEN SERIES 1: Zues Mattheos Howard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon