“GAGO!!” Sabay na mura ng magkakaibigan at nang hindi na talaga makatiis ay agad na hinabol ng mga ito si Catcher na dali-daling umahon at tumakbo palayo.
Sa nakikitang kalalakihang parang mga batang nag-aaway away ay napakalayo sa pagiging nakakatakot na amo o strikto at kinatatakotang negosyante. Parang mga batang kiti-kiti at isa na roon si Zues na ngayon ay lumangoy sa harap niya.
“Basa kana.” Aniya ng makalapit ito.
Zues just smile widely and wink at her but he suddenly pull her down the pool making shriek. Napatili siya sa gulat at hinampas ito sa braso ng makabawi, pero tumawa lang binata.
“Z! you startled me.”
He just chuckle and kiss her temple. “Sorry babe.”
“Paano ‘yan wala akong dalang damit?” Parang batang reklamo niya.
“Malapit lang naman ang bahay natin.” Pag-aalo nito sa kanya. Pero hindi nakatakas sa kanyang tenga ang sinabi nito.
“Bahay natin?” She rose her brow while asking curiously.
“It’s our house babe.” He said and caress her cheeks in a gentlest way before moving closer to capture her lips. Napahawak siya sa braso nito at walang pag-aalinlangang tinugon ang halik nito.
“Babala, wag makipaglandian o makipaglaplapan kung walang label.” Anang boses na nagpabitiw sa nakalapat nilang labi.
Sabay silang napatingin kay Yvonne at hindi niya naiwasang pamulahan ng pisngi. Yvonne is eyeing them with a deadpan look. Para bang sinasabi nitong ‘sa harap ko pa talaga kayo naglaplapan ano? Nakakahiya naman sa inyo.’
Nakita naman niyang ngumisi lang si Zues ng makita ang realsyon niya kaya nagsusumiksik siya sa dibdib nito.
“Hay, lovebirds.” Mahinang reklamo ni Yvonne saka umalis roon at pumasok sa bahay. Hindi naman nakaligtas sa paningin nila ang magmamadaling pagsunod ni Syc kay Yvonne na tila ba takot na maiwan.
“Tignan mo ‘yong isang ‘yon. Kala mo aso kung makasunod kay Yvonne.” Narinig niyang sabi ni Zues bago nito hinuli ang tingin niya. “Let’s go home baby.”
“Paano ang mga kaibigan mo?” Tanong niya ng akayin siya nito paalis sa tubig.
“They’re adult enough to handle themselves.” Anito habang inaayos ang buhok niyang tumatabon sa mukha niya.
“Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin. Baka magtampo sila kung mauuna tayong umalis.”
“Alright, we will ask for their permission.” Aniya saka iginiya siya palapit sa mga kaibigan nitong puro basa.
“Hey, lovebirds.” Si Spider ang unang bumati sa kanila na segundahan naman ng tingin ng iba.
“We’ll going home first, basa si Candle baka magkasakit pa.” Direktang saad ni Zues sa simpling paraan ng pagsabi.
Gusto niya itong sikuhin dahil sa direktang paalam nito na para bang wala lang dito ang pagpapaalam sa mga kaibigan. Pero nawala ang isip niya roon ng makitang awtomatikong ngumisi ang mga kaibigan nito.
Nangunguna doon si Catcher na hindi napigilan ang bibig. “May nakita akong kissing scene kanina doon akala ko tuloy may nagtataping, kayo lang pala.” Nakangising tukso nito.
Kaya umiwas siya ng tingin sa mga ito ng maramdaman niyang uminit ang pisngi niya.
“Aalis dahil basa o dahil may nag-fa-flag ceremony?” Mapanuksong saad ni Toffler.
Ngumisi lang si Zues. Siya naman ay nagtataka dahil hindi niya naiintindihan ang sinabi nito pero hindi na siya nagtanong pa. Mula sa kanyang likod ay lumabas si Yvonne dala ang isang tuwalya. Nakasunod rito si Syc na nakanguso at busangot ang mukha na parang batang di pinagbigyan ng hinihingi.
BINABASA MO ANG
JEALOUS MEN SERIES 1: Zues Mattheos Howard
RomanceJEALOUS MEN SERIES 1: Zues Mattheos Howard WARNING: R-18 Kilala si Candle Shield bilang estriktong boss ng isang book publishing company at mahusay sa larangan ng negosyo. Minsan lang siya kung makipag-usap sa kanyang mga empleyado lalo na kung hind...