UF 22

49 4 1
                                    

Biglang nag sisi si Marona ng pumayag siyang maging sila ni Daniel. Ang babae pala na nag hahanap rito ay walang iba kung hindi ay si Ichie. Nang matagal bago nakarating si Daniel. Naisipan na lang niya na bumaba na sa floor nila. At habang naglalakad nakita niya na nakalingkis na kay Daniel ang sawa. Nang masalubong niya ang dalawa. Nagpanggap siyang hindi nakita ang mga ito. Ganoon ang gawain niya kapag nakikita niya ang dalawa. Ilang araw na rin ang lumipas ng huli niyang pansinin si Daniel. Kahit tawag at text nito ay hindi niya pinapansin. Sinisikap niya na huwag silang magkita. Kapag pinapatawag siya nito sa secretary. Pinapasabi niya na busy siya.

"Dzai, may ready ka na bang swimsuit?"tanong ni Yhen.

Nakabili na sila ng kakainin nila. Nasa garden sila at tumambay. Sakto lunch na rin.

"Para saan?"tanong niya.

"Makakalimutin? may team building tayo bukas. Tapos sa Leyte gaganapin. May beach don diba?"sabi ni Yhen.

"Oh? akala ko ba. Sabi-sabi nila sa Luzon lang daw nag team building ang company?"takang sabi ni Marona.

"Yon din akala ko"sabi ni Vyvorie.

"Sabi nga nila, pero since iba na nga namamahala. Kaya naiba na. Saka ayos nga iyon eh. Makakaligo na rin ako sa dagat. Ilan buwan na rin. Saka pahinga na rin sa hectic na trabaho"sabi ni Yhen.

"Oo rin"sabi ni Marona.

***

Pagkauwi palang sa bahay. Nag asikaso na rin si Marona. Nakapamili na rin siya ng gamit at kakainin. Napatingin siya sa napkin. Naalala niya. May dalawang buwan na rin na delay ang regla niya. Kaya kinabahan siya bigla.

"Makapag pa check up nga pag uwi"sabi niya.

Napatingin siya sa pinto ng bumukas ito. Napasimangot siya bigla. Nang makita kung sino ito.

"Sorry, bukas na kaya naisipan kung pumasok"sabi ni Zach.

"Kumatok ka man lang sana"sabi ni Marona.

"Kumatok ako no"sabi ni Zach at umupo sa couch.

"Ah baka hindi ko narinig"sabi niya.

"Saan punta mo?"tanong ni Zach matapos kumuha ng tubig sa ref.

"Ah may team building kami bukas."sabi ni Marona.

"Pwede bang mag stay muna ako rito?"tanong ni Zach.

"Sige, kailangan ko nga rin na may mag aalaga kay Tiger"sabi ni Marona.

"Oh sige, ako na lang. Papakainin lang naman diba?"sabi ni Zach.

"Oo naman"sabi niya.

"Nasa labas pala iyong Boss mo. Kaso ng makita ako umalis agad, ang sama nga ng tingin sa akin"sabi ni Zach.

Bigla siyang kinabahan.

"Ah hayaan mo siya"sabi niya. Bigla niya kasing naalala na may atraso pa pala ito sa kaniya.

"LQ pa rin kayo? tagal naman "sabi ni Zach at natawa.

"Saan ka pala matutulog?"tanong ni Marona.

"Dito na lang, kasiya naman ako"sabi ni Zach.

"O sige, bukas sa kama ko na lang. Wala na naman ako. Hanggang kailan ka ba rito?"sabi ni Marona at sinarado ang zipper ng baga.

"Pag nakauwi ka na"sabi ni Zach at hinawakan si Tiger.

"Oh sige"sabi ni Marona.

**

Kinabukasan, medyo tinanghali pa ng gising si Marona. Kaya hindi na siya gaano nakapag suklay. At binaon na lang niya ang kakainin. Kaya habang nasa bus. Kumakain siya.

FGS no 2. Unforeseen FondnessWhere stories live. Discover now